Matt Evans reveals how Marian Rivera put him at ease

IMAGE Rommel Gonzales / Noel Orsal

Bagamat iisa lang ang kanilang manager, sobrang hiya raw ang nararamdaman ni Matt Evans noong una kapag nakakaharap niya si Marian Rivera. "Naku, para akong basang sisiw pagka katabi ko si Yanyan!" sabi ni Matt.


Overwhelmed pa rin daw si Matt Evans hanggang ngayon sa paglipat niya sa GMA-7.

Aniya, “Kasi hindi pa ako tumitigil ng trabaho.

“Masasabi ko, sana, sana po yung itinagal ko dun sa kabila, mas mahigitan ko dito.”

Si Matt ay produkto ng first batch ng Pinoy Big Brother Teen Edition (2006), ang reality show ng ABS-CBN.

Nakasama niya sa loob ng Bahay Ni Kuya sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Noong August 2017 ay lumipat sa Kapuso network si Matt pagkatapos ng 11 taon niyang pananatili sa bakuran ng ABS-CBN.

“So, sana po dito, mas matagal pa, mas mahigitan ko,” asam ng 31-year-old Kapuso actor.

Masaya rin si Matt na natupad na ang isa sa mga pangarap niya—ang makatrabaho si Marian Rivera.

Magkasama ang dalawa sa weekly comedy-variety show na Sunday PinaSaya.

Ayon kay Matt, “Naku, para akong basang sisiw pagka katabi ko si Yanyan!

“Nahihiya ho talaga ako nang todo, e, nahihiya ako.

“Siyempre si Madam yun, e.

“Pero nung nakausap ko na, sobrang parang ang tagal niyo nang magkakilala.

“Yung trato niya sa tao, parang ang tagal mo nang kakilala.

"Ganun siyang makipag-usap, yung approach niya.

“So, parang siya na rin po yung nagtanggal nung hiya ko sa kanya.

“So, ngayon, mas kampante na ako, nabibiro ko na.”

Nais din daw ni Matt na makasama si Marian sa isang teleserye.

“Sino naman po ba ang hindi? Oo naman po.

“Kahit driver!” natatawa niyang sabi.

Iisa ang manager nina Matt at Marian, si Rams David ng All Access To Artists, Inc.

PAUL SALAS. Nabanggit din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Matt na kalilipat lang din sa GMA-7 ng dating Kapamilya na si Paul Salas.

“A, si Paul, anak ni Kuya Jim. Mabait yung batang yun,” komento ni Matt.

Si Jim Salas ay dating miyembro ng Universal Motion Dancers.

Ano ang nagiging reaksiyon ni Matt kapag tulad niya ay may Kapamilya na nagiging Kapuso?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, the more the merrier, siyempre!” bulalas niya.

THE CURE. Guest si Matt sa prime time series na The Cure bilang si Elmer, asawa ni Myra na gagampanan naman ng isa pa ring guest star ng show na si Kris Bernal.

“Kami po yung pamilyang tumulong sa kanila nung naghahanap sila ng matatakbuhan,” pagtukoy niya sa mga karakter ng mga bidang sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez.

“Nakakatakot sila, kaya takot din kami,” pagtukoy ni Matt sa mga infected sa kuwento ng The Cure.

Mabait si Matt sa The Cure, at kagagaling lang niya sa role na salbahe sa Sherlock Jr.

Saan siya mas natsa-challenge?

Tugon niya, “Actually, hindi ko po masabi.

“Yung sa Sherlock Jr., iba rin po yung character dun, mabait nung umpisa, ‘tapos naging intense kasi nagkaroon ng mga fight scenes.

“Dito sa The Cure, less yung fight scenes, pero mas emotional yung mga eksena naman po.

“So, parehong challenging kaya masasabi ko po na dito naman, may pagka-bano yung character ko.

“Protective sa pamilya pero aminadong lampa, parang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN