Director Mike de Leon takes a swipe at Atom Araullo: "He disappointed me."

IMAGE Noel Orsal

Citizen Jake director Mike de Leon opens up about falling out with his movie star Atom Araullo: "Even if Citizen Jake is my most personal film, sometimes I feel it's a film Atom and myself made together, through thick and thin, through upheaval after upheaval and unfortunately there were many. But I hoped that in the end, we would still share the same convictions we started off with. Alas, that was not to be."


Hindi inaasahang naghayag ang batikang film director na si Mike de Leon, 71, ng pagkadismaya sa broadcast journalist na si Atom Araullo, 35, sa kabila ng kolaborasyon nila sa pelikulang Citizen Jake.

Lalo na’t kasalukuyang ipinapalabas sa mainstream theaters ang pelikula.

Pareho pang dumalo sina Atom at Direk Mike sa special screening ng Citizen Jake, na ginanap sa Gateway Mall sa Quezon City noong Lunes, May 21.

Si Mike ang nagdirehe ng Citizen Jake, habang si Atom ang lead star na gumanap bilang journalist/blogger na nakaalitan ang political family nito.

Pahayag ni Direk Mike tungkol kay Atom, “But he disappointed me. Not as an actor but as a person.”

Sa official Facebook account ng Citizen Jake noong May 21, inilathala ni Direk Mike ang saloobin kung paano nauwi sa hindi pagkakaunawaan ang trabaho nila ni Atom.

Bagamat personal daw niyang pinili si Atom na pagbidahan ang pelikula, tila makailang-beses silang nag-clash dahil sa personal differences.

Paliwanag ni Direk Mike: “Atom Araullo is not a professional actor and I only came across his name when I read that he had resigned from his job as a reporter in his former TV network (I don’t watch television).

“And since I never wanted a professional actor for the lead role in Citizen Jake, I thought it interesting to work with someone whose work was journalism and who I thought shared my political convictions."

Binatikos din ni Direk Mike ang estilo ni Atom bilang broadcast journalist.

Patutsada ng batikang direktor, “I have known and worked with outstanding journalists before when I was politically active during the latter years of the Marcos era.

“I only realized later that Atom’s journalism was not exactly the kind of journalism I had in mind.

“It’s not the gritty kind but more of the celebrity-centered schlock that sometimes verges on entertainment, even showbiz.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MIXED PRAISES AND CRITICISMS. Ayon kay Direk Mike, “substantial” ang kontribusyon ni Atom sa pelikula at pakiramdam niya ay “closet movie star” ang broadcast journalist kaya nito sinubukang pasukin ang mundo ng pelikula.

Hindi malinaw kung ano ang mitsa ng mga binitawang salita ng batikang direktor, gayong inamin din nitong sa halos lahat ng major scenes ay “terrific” umano ang pag-arte ni Atom.

Pero sadyang hindi raw talaga sila nagkasundong dalawa.

Sabi ulit ni Direk Mike, “Even if Citizen Jake is my most personal film, sometimes I feel it’s a film Atom and myself made together, through thick and thin, through upheaval after upheaval and unfortunately there were many.

“But I hoped that in the end, we would still share the same convictions we started off with.

“Alas, that was not to be.”

Malamang ay pareho raw nilang nais nang tuldukan ang pakikipagtrabaho sa isa’t isa sa kabila ng kanilang pelikulang nagtamo ng positive reviews sa mga nakapanood na nito.

NETIZENS' REACTIONS. Sa comments section ng Facebook post, may ilang netizens ang kumontra kay Direk Mike at sinabing hindi nito dapat maliitin ang kontribusyon ni Atom sa Citizen Jake.

Ngunit iginiit ni Direk Mike na hindi siya "hypocrite" at nagpakatotoo lang siya sa kanyang opinyon tungkol kay Atom.

Aniya, "Sorry if I have to be this blunt but we filipinos always find excuses and never face issues head on. kaya ganyan tayo"

Narito ang pakikipagpalitan ng komento ni Direk Mike sa netizens:









Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ni Atom at ni Direk Mike hinggil sa artikulong ito.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN