Ara Mina assures closure on feud with Aiko Melendez

IMAGE Noel Orsal / Arniel Serato

Ara Mina (right) clarifies there were no overlaps with her relationships with Jomari Yllana and Mayor Patrick Meneses, who were both exes of Aiko Melendez (left).


Tiniyak ni Ara Mina na may closure na ang naging hidwaan nila ng kapwa aktres na si Aiko Melendez.

Ito ay pagkatapos ng aksidente nilang pagkikita sa isang lamay noong September 2017.

Pagbabalik-tanaw ni Ara, “Mapi-feel mo yung sincerity niya na talagang…

“Kasi before, nagkakasalubong kami, pero medyo ano pa… mararamdaman mo yung tensiyon.

“Pero this time, nung sa lamay… Kasi dumating sila, lumapit ako, bumeso ako sa kanila, kay Ogie [Diaz, manager ni Aiko] at sa kanya.

“So, umupo ako. E, wala akong katabi at wala na ring space. 

“Dun na lang sa upuan ko, tumabi siya sa akin, ‘Kumusta ka na?’ Ganun.

“So, doon na-feel ko, 'A, magaan na talaga.'”


Stories We Are Tracking

Ara Mina, Aiko Melendez end longtime rift
Ara Mina, Aiko Melendez end longtime rift
Aiko Melendez opens up about reconciliation with Ara Mina
Aiko Melendez opens up about reconciliation with Ara Mina

Nagsimula ang hidwaan ng dalawang aktres nang magkaroon ng relasyon si Ara kay Jomari Yllana, dating asawa ni Aiko.

Pinaratangan pa nga si Ara na “nanulot” diumano dahil hindi pa naman daw tuluyang hiwalay noon sina Aiko at Jomari nang maging sina Ara at Jomari.

Naghiwalay rin kalaunan sina Ara at Jomari.

Pero nanumbalik ang isyu sa pagitan nina Ara at Aiko nang makarelasyon ni Ara si Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses, na naging kasintahan din ni Aiko.

Ngunit nilinaw ni Ara na hindi niya inagaw sina Jomari at Mayor Patrick kay Aiko.

Saad niya, “Yung kay Jomari talaga, lagi kong sinasabi na hiwalay na sila noong naging kami ni Jom. 

“Magka-partner kami sa Kiss Muna. So, doon nagsimula ang friendship namin ni Jom.”

Ang Kiss Muna ay ang defunct comedy series ng GMA-7 na umere mula April 2000 hanggang September 2001. Kasama rin nila rito sina Joey de Leon, Elizabeth Oropesa, Gary Estrada, Ina Raymundo, at Rayver Cruz.

Patuloy pa ni Ara, “Yung kay Patrick Meneses naman, naghiwalay na sila mga Feb ata sila…

“Na-meet ko si Patrick thru my boyfriend na Chinese.”

Matapos nilang magkita sa lamay noong nakaraang taon, naging okey na raw sila ni Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatunay pa ni Ara, “Oo, oo. Nagti-text-an kami. 

“Minsan umu-order pa siya sa akin ng cake. She ordered lechon from me also. 

“Nagpapa-deliver siya sa akin nang ilang beses ng cake.

“Hindi pa kami lumalabas or nagkikita sa labas, pero nag-usap naman kami na soon… Busy siya, busy rin ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa presscon para sa fun-run-for-a-cause na inorganisa nito, ang “tARAna sa ARenA,” na magaganap ngayong Linggo, May 27, sa Philippine Arena, NLEX, Bocaue, Bulacan.

Ayon kay Ara, inimbita niya si Aiko sa kanyang fun-run event.

“In-invite ko siya. Sabi niya, titingnan niya sa schedule niya.”

MOVIE PROJECT. Sa isang interview ay sinabi ni Mayor Patrick, na isa na ring movie producer, na willing siyang gawan ng movie project sina Ara at Aiko.

Komento naman ni Ara tungkol dito, “Ang tagal… dapat bilisan niya.”

Okey na rin ba sina Aiko at Mayor Patrick?

Ayon kay Ara, “Parang na wala na sa kanila yun.”

Hindi kaya siya ang maging daan para magkaayos sina Aiko at Mayor Patrick?

Mabilis na sagot ni Ara, “A, we’ll see… wala, madali lang naman yun.

“Basta pag wala nang poot sa isa’t isa, madali nang makipagbati. “

Samantala, masaya naman si Ara na malapit nang maging ama ulit si Jomari dahil buntis ngayon ang kasintahan nitong si Joy Reyes.

Nakangiting sabi ni ni Ara, “I’m happy for him. Panahon naman na siguro na sundan si Andre ano.

“Sana tuluy-tuloy na siya sa girlfriend.”

Si Andre ang anak nina Jomari at Aiko.


Stories We Are Tracking

Jomari Yllana to become a dad again after 19 years
Jomari Yllana to become a dad again after 19 years


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN