Gabby Concepcion keeps mum on Sharon Cuneta's tirades; clueless about reason of KC-Aly breakup

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actor Gabby Concepcion has chosen to keep mum about the social media posts of his ex-wife Sharon Cuneta that, even without mentioning his name, is clearly pertaining to him.


Iwas si Gabby Concepcion na pag-usapan ang mga patutsada laban sa kanya ng ex-wife niyang si Sharon Cuneta sa social media.

Bagamat walang direktang pangalang binabanggit ang Megastar sa kanyang social media posts, malinaw na ang kanyang pinariringgan ay si Gabby.

Kaugnay ito ng naunsiyami nilang reunion movie na ayaw na raw gawin ni Sharon.


Stories We Are Tracking

Sharon offended by
Sharon offended by "power-tripping" of Gabby's camp
Sharon fires back at bashers and a person she did not name
Sharon fires back at bashers and a person she did not name

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Gabby sa 49th Box Office Entertainment Awards noong Linggo, May 20, ay sinubukan naming tanungin siya tungkol dito.

Pero umiwas agad si Gabby na pag-usapan ang tungkol dito.

“Excuse me, pupunta muna ako dun,” palusot ng aktor.

DAUGHTER KC. Ngunit nagbigay naman ng pahayag si Gabby nang tanungin tungkol sa anak nila ni Sharon na si KC Concepcion.

Clueless daw ang Kapuso actor sa dahilan ng paghihiwalay ni KC at ng dating Azkals player na si Aly Borromeo.

“Hindi ko alam, hindi ko tinatanong. Hindi namin napag-uusapan,” sabi ni Gabby.

Suportado naman ni Gabby ang pamamahinga ngayon ng panganay na anak mula sa showbiz.

Aniya, “Well, maganda yung nagpapahinga once in a while pag may time.

“But, of course, we have to count our blessings.”


Stories We Are Tracking

Did KC Concepcion and Aly Borromeo break up?
Did KC Concepcion and Aly Borromeo break up?
Aly Borromeo dismisses rumored breakup with KC Concepcion
Aly Borromeo dismisses rumored breakup with KC Concepcion
KC Concepcion clarifies rumored breakup with Aly Borromeo
KC Concepcion clarifies rumored breakup with Aly Borromeo
KC Concepcion still friends with ex-boyfriend Aly Borromeo
KC Concepcion still friends with ex-boyfriend Aly Borromeo

TV ACTOR OF THE YEAR. Sa 49th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. ay ginawaran si Gabby bilang TV Actor of the Year.

Ito ay para sa pagganap niya sa GMA-7 afternoon drama series na Ika-6 Na Utos, na tumagal sa ere ng mahigit isang taon.

Pahayag ni Gabby tungkol sa parangal na natanggap, “Very honored, hindi naman madalas nangyayari ito, so I'm very thankful.

“Mas nakaka-challenge saka mas nakakagana para mas maging magaling next time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN