Elisse Joson lectures disappointed McLisse fans about 'hurting others'

IMAGE Courtesy of Elisse Joson (left) / Jimpy Anarcon (right)

Elisse Joson speaks up on real status of love team with McCoy de Leon: "Nothing ended."


Naglabas na ng pahayag ang ABS-CBN actress na si Elisse Joson tungkol sa estado ng love team nila ng rumored boyfriend na si McCoy De Leon.

Sa sunud-sunod na post niya sa Twitter nitong Biyernes, May 25, ipinahayag ni Elisse ang kanyang pagkalungkot dahil sa mga negatibong komento na naririnig nito mula sa ilang McLisse fans, na dismayado dahil sa iba naipapareha si Elisse.

Noong nakaraang Linggo, May 20, ipinalabas na ang mini-series nito na may titulong "Ofishally Yours" para sa Wansapanataym.

Kasama ni Elisse ang mga member ng Boyband PH na sina Ford Valencia, Niel Murillo, Russell Reyes, Tristan Ramirez, at Joao Constancia, na siyang lumalabas na kapareha nito sa Wansapanataym.

Panimula ni Elisse, "I know that people will always have different views on what is said, but I am a strong believer that a person has the right to speak up especially if what’s kept inside is emotionally tearing them down."

Patuloy ni Elisse, "Everything given to me is a blessing. This now is a blessing for me. But why do I sometimes feel like I have to feel bad for such blessing? I shouldn’t. Kasi lahat ng ito pinagpray ko lang dati."

Ayon pa sa Star Magic talent, nasasaktan raw siya sa tuwing may negatibong tweet na nababasa mula sa kanilang mga fans.

Aniya, "I am just human. You all are, we all are. You’re hurting because you feel that, that one thing you’re standing up for is being brought down. I get it. But hurting shouldn’t give you the satisfaction to hurt others."

Dagdag pa ni Elisse, "So here I am speaking up for myself, standing up for myself. Because I have been waking up, breaking. Tear me up some more, I have finally let my walls down."

Sa huli, kinumpirma ni Elisse na hindi nabuwag ang love team nila ni McCoy kahit na sa iba ito napapareha ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tweet nito, "Nothing ended. So why all the hurtful words? I wish us peace and being kind to one another."


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN