Julie Anne San Jose overwhelmed by spate of birthday surprises

IMAGE Arniel Serato

Kapuso actress-singer Julie Anne San Jose on the spate of birthday surprises showered upon her during her birthday last May 17: "I'm just grateful na maraming celebration, maraming surprises. Thank you for the blessings."


Hindi raw makakalimutan ni Julie Anne San Jose ang ika-24 niyang kaarawan noong May 17 sa dami ng mga natanggap niyang sorpresa mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan at katrabaho.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne noong May 24 sa 17th floor ng GMA-7 sa ibinigay na pocket presscon ng GMA Artist Center family niya.

Masaya niyang kuwento, “Actually, ang daming nang-surprise sa akin.

“Sinurprise ako ng family ko, sinurprise ako ng SPS [Sunday PinaSaya] family.

“'Tapos si Mama, nagtaka ako, bakit pinasabay ako sa friend ko.

“E, Mother’s Day noon, kaya sabi ko, 'Sige, bibili muna ko ng flowers for my Mom.'

“Ang nakakatawa, may nahuli ko.

“Nahuli ko pa yung isa kong friend na tumatakbo sa restaurant.

“Kaya sabi ko, 'Alam ko na, may surprise ‘to.'

“'Tapos, yung mga kasama ko pa sa SPS, sobrang riot po.”

Maging ang morning serye niya na My Guitar Princess ay binigyan din daw siya ng birthday surprise.

Nangyari naman ito noong eve ng birthday niya sa taping.

Lahad pa niya, “Sinurprise nila ko, nakakatawa talaga.

“Talagang I didn’t see it coming na pupunta po sila.

“E, later that day, nagpunta ako ng MYX Music Awards. Then, my Universal Records family had a surprise on me also.”

Maging ang Pepito Manaloto family niya ay sinurpresa rin daw siya.

SURPRISE FROM BOYFRIEND. Natawa si Julie nang tanungin namin yung pinaka-romantic birthday surprise na galing naman sa boyfriend niyang si Benjamin Alves.

Ayon kay Julie, “That day po kasi, magkausap kasi kami.

“Hindi pa kami tapos mag-taping.

“Hindi ko naman alam na nandoon siya sa My Guitar taping. Hindi ko po talaga alam.

“Sabi ko, 'Sige, matulog ka na, gabi na.'

“E, bigla siyang pumasok.”

Kinilig siya?

“Opo naman!” pag-amin niya.

“Sino ba naman ang hindi kikiligin sa surprise na ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m just grateful na maraming celebration, maraming surprises.

“And I think, I’m also celebrating with my supporters because I want to celebrate with them also.

“I’m just really happy na ang month na ‘to, birthday month ko talaga.

“Thank you for the blessings. Parang yung puyat sa akin, wala na.”

BIRTHDAY GIFT. Tinanong namin si Julie kung ano naman ang naging birthday gift sa kanya ni Benjamin.

Pero mabilis na “secret” ang isinagot niya.

Yun pala, wala pa talagang inaabot na birthday gift sa kanya ang Kapuso actor.

“Actually, hindi ko pa po siya natatanggap,” natawang sabi niya.

“Basta kami naman po, kapag nagbibigay kami ng gift, wala namang kailangang certain occasion.

“We give gifts sa mga random na panahon.”

Pareho rin daw kasi silang busy ngayon ni Benjamin.

Pero sabi namin sa kanya, walang ba siyang pakiramdam na tampo dahil espesyal na araw niya yun?

“For me, hindi naman siya nakaka-tampo.

“He was there to surprise me nga.

“Yun naman ang importante, we’re not materialistic people naman kasi.

“As much as possible nga, gusto namin yung simple lang.

“Like lately, hindi kami masyadong nagkikita, sa Facetime lang.”

Sabi pa niya, “As long as I know that I have Ben with me and he has me, we have each other, that’s important.”

Masasabi niya na ang taong ito ang pinakamasaya niyang kaarawan?

“Yes, yes oo naman po,” saad niya.

“At saka, every year naman po iba-iba ang celebration, but yeah, yeah,” pag-amin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN