Maris Racal on status of relationship with Iñigo Pascual: "Kung kami na? Mej."

IMAGE Instagram

How is it between Maris Racal and Iñigo Pascual? She answers, "Obviously mahal namin ang isa't isa. Okay lang. Kung kami na, mej."


Nasa "mej" na raw ang estado ng relasyon nina Maris Racal at Iñigo Pascual.
   
Sa bibig mismo ni Maris nanggaling ito sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa fans' day nila ni Iñigo noong nakaraang linggo.

Ayon sa 20-year-old actress-singer, ”Paano ba? Paano ko ba sasabihin?

"Obviously, mahal namin ang isa't isa. 

"Okay lang... Kung kami na? Mej."

Mr. Frisco

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

Nagpasalamat naman si Maris na napuno ang ABS CBN Vertis Tent dahil sa dami ng MarNigo fans na pumunta at sumuporta sa kanila.

Saad niya, ”Grabe, bilib kami sa kanila, yung energy nila, yung love nila.

“Nakikita lang namin sa Instagram, Twitter. I'm so happy to see them in person. 

“I know marami pa rin naman sa online, sobrang happy na kami sa binigay nila sa amin."

ON CARLO AND SUE. Binigyang linaw naman ni Maris ang lumabas na balitang nag-uugnay sa kanila ni Carlo Aquino, kung saan may ilang pagkakataon daw na nakita silang magkasama.

Aniya, "Alam mo yung kuya crush? Parang ganun.

“Parang kuya ’tapos ina-idol ko siya ever since bata pa lang ako, wala namang malisya yun."

Nabigyan din ng malisya ang closeness nila ng kapwa Kapamilya star na si Sue Ramirez, na ayon kay Maris ay napalaki lang ng ibang tao.


Stories We Are Tracking

Maris Racal calmly denies lesbianism accusation
Maris Racal calmly denies lesbianism accusation

Sabi niya, ”Actually, as in nung nalaman namin, parang, ‘Ows, simple details lang pala, bini-big deal na nila.’
   
"Sinakyan namin, as in natuwa kami, kasi I thought maraming negative reactions.

“But then, nagbasa ako sa Twitter, natuwa ako kasi very supportive pala sila pag ganun.

“Di pala sila nagde-degrade ng tao o bina-bash nila ang mga lesbians ot whatever.

“Natuwa kami ni Sue, okay lang, kino-continue namin yung frienship namin, walang nagbago.”

To more music nights with you ???? ps. im buying the right foundation shade now.

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

DANGAL NG KABATAAN. Labis naman ang pasasalamat ng aktres sa parangal na ipinagkaloob sa kanilang dalawa ni Iñigo sa 20th Gawad Pasado Awards—ang Pinakapasadong Dangal ng Kabataan.
  
Saad ni Maris, "Grabe yung journey ko, parang pinilit ko talaga ang schedule ko para matanggap yung award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang happy kami kasi di lang ito first award for me, but para din sa amin ni Iñigo.

“We're hoping for more and honored kami na mapili bilang Pinakapasadong Dangal ng Kabataan.

“That title alone, big responsibility na yun. We are very happy and honored."

Samantala, nasimulan na rin gawin  nina Maris at Iñigo ang pelikulang magsisilbing launching movie ng kanilang tambalan.
  
Kuwento ni Maris, ”Maganda yung istorya, isa siya sa watchlist ko. Ito yung pinakahihintay kong gawin.

“Pure comedy siya ’tapos may love story, yung love story nasa second layer siya.

“Pure comedy talaga siya, situational comedy. Very challenging talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN