Ryle Santiago "very proud" of ex-girlfriend Barbie Imperial

IMAGE Noel Orsal / Glenn Regondola

Ryle Santiago on ex-girlfriend Barbie Imperial: "Siyempre, nag-iba na siya. Nabigyan na siya ng break, nagbida na siya. I'm very proud of her. Nung magkita nga kami, sabi ko sa kanya, 'Big time na, ha?' Sabi niya, 'Hindi, hindi.'"


Masaya raw si Hashtag Ryle Santiago sa magandang takbo ng career ng dati niyang girlfriend na si Barbie Imperial.

Si Barbie ay bida ngayon sa Kapamilya afternoon drama series na Araw Gabi, kung saan katambal niya ang comebacking actor na si JM de Guzman.

Pero ano ang masasabi ni Ryle sa pagbabago ng imahe ng dating PBB 737 housemate? Mula sa pagiging sweet girl ay sumabak ito sa daring scenes sa nabanggit na teleserye?

Pahayag ng 19-year-old actor-dancer, "Ako, proud ako sa kanya.

“Siyempre, nag-iba na siya. Nabigyan na siya ng break, nagbida na siya.

“I’m very proud of her.

“Nung magkita nga kami, sabi ko sa kanya, ‘Big time na, ha?’ Sabi niya, ‘Hindi, hindi.’

“I’m very proud of her na... yun na yun, e.

“Heto na ang career niya, nahanap na niya ang path niya. Tuluy-tuloy na siya.”

Napapanood ba niya si Barbie sa Araw Gabi?

Asintado nga, di ko mapanood," banggit ni Ryle sa teleseryeng kinabibilangan niya.

"Magkadikit lang kami dahil laging may taping.

“Pero si Mama [Sherilyn Reyes], oo, napapanood niya.

“Kinukuwento niya sa akin, so kahit paano ay meron naman akong alam sa istorya.

“E, kasi nga, pagkagaling mo sa It’s Showtime, palabas na yung Asintado.

"Minsan pagkagaling mo sa Showtime, magri-rehearsal pa kami. Minsan, diretso na ako.

“E, yung Tuesdays and Thursday naman, pumapasok ako, nag-aaral ako, e.

"Kaya hindi ko talaga matiyempuhan kahit ang Asintado."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryle sa media launch para sa kanya bilang pinakabagong male celebrity endorser ng BNY Jeans, na ginanap sa Oriental Palace noong Sabado, May 25.

FROM FRIENDS TO SWEETHEARTS. Kumusta naman ang naging relasyon nila noon ni Barbie?

Ayon kay Ryle, “Matagal din po kaming nagsama. More than a year, pero matagal kami as friends.

“She’s ano, thoughtful naman siya, very caring...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Compatible naman kami.”

Bakit sila nag-break noon?

Pahayag niya, “May mga bagay lang na hindi naman napagkasunduan.

“Hindi kami magkasundo sa maraming bagay, pero there’s nothing wrong with that, it’s fine.

“We tried to grow together, which we did, pero...

"Tingnan mo, her career is flourishing, maganda ang career ko, and we remains as friends.

“Okey naman kami.”

Sa ngayon, ang boyfriend ni Barbie ay si Paul Salas.

Ano naman ang reaksiyon niya rito?

Mabilis na sagot ni Ryle, “Okey naman, kaibigan ko naman si Paul.

“Sobrang tagal naman na... yung after kami ni Barbie.

“Kinausap naman ako ni Paul, okey naman.

“Nagpaalam naman, at sabi ko, ‘Bro, okey lang.’

“As long as nakikita kong masaya ang mga kaibigan ko, okey ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN