Tween star Jillian Ward wants to work with Alden Richards

IMAGE Jillian Ward Instagram

Kapuso tween star Jillian Ward says that although she looks more mature than her age, she is still very young at heart. In fact, she doesn't get kilig easily. "Hindi po kasi ako mabilis kiligin, kasi feeling ko, bata pa ako. Sa hitsura ko lang yung mukha akong matured, pero isip-bata pa rin ako."


Handa na raw ang dating child actress na si Jillian Ward magkaroon ng kapareha tulad ng mga Kapuso tween love-team partners na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Aniya, "Ready naman po na, since part naman po siya ng work.

"Hangga't hindi naman po boyfriend-girlfriend, okey lang po kasi work lang naman."

Sino ang gusto niyang maging ka-love team sa Kapuso tweens?

Sagot ng 13-year-old actress, "Kahit sino po basta marunong umarte at sa tingin pa lang may chemistry na kami.

"Gusto ko din po kasi sa love team, hindi stick-to-one.

"Para po maraming nae-explore na roles, at mas marami akong matututunan sa mga makakasama ko pagdating sa trabaho."

Mas gusto raw ni Jillian makatrabaho ang mas matanda sa kanya kumpara sa mga kaedaran niyang Kapuso young stars.

Aniya, "Mostly kasi, ang gusto ko makatrabaho, yung mga veterans

"Pero gusto ko ring makatrabaho si Kuya Alden [Richards].

"Matagal na kasi kaming magkakilala ni Kuya Alden, pero nagkakasama kami yung guesting-guesting, hindi talaga sa teleserye. 

"Gusto ko siya makasama sa teleserye."

Dagdag ni Jillian, "'Tsaka siyempre, Kuya Alden Richards is Kuya Alden Richards."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jillian sa kaarawan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) member na si Rommel Placente sa Manang Colasa, Timog, Quezon City, noong May 27.

PUPPY LOVE. Lumalaking maganda si Jillian kaya hindi maiwasang maraming mga binatilyo ang humahanga sa dalagita.

May mga nagpaparamdam na rin daw ng pagkagusto sa kanya, at ang iba ay nagpapahayag na crush nila sa dalagita.

Pero hindi pa raw payag ang ina ni Jillian na magpaligaw ang Kapuso teen star.

"May nagkaka-crush po, pero wala pang nanliligaw, kasi magagalit si Mommy.

"May mga nagme-message sa akin sa Facebook, pero di ko sinasagot.

"Kinukuwento ko lahat kay Mama. Merong mga taga-showbiz at meron ding mga artista."

Sino yung mga artista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Secret po!" natatawang sabi ni Jillian.

May showbiz crush ba siya?

"Wala po sa local, sa international meron."

Pero kinikilig ba siya kapag nakikita niya yung crush niya?

"Hindi po kasi ako mabilis kiligin, kasi feeling ko, bata pa ako.

"Sa hitsura ko lang yung mukha akong matured, pero isip-bata pa rin ako."

KAPUSO STAR. Masaya naman daw ang teen actress sa takbo ng kanyang careeer sa Kapuso Network.

Saad ni Jillian, "Happy naman po, kasi hindi ako nawawalan ng project.

"Gusto ko po maraming iba't ibang proyektong magawa.

"Gusto ko din po magkaroon ng album, bale pagsasabayin ko yung acting at singing dahil pareho ko silang love.

"Pero ngayon, inaaral ko yung dancing, kasi marunong na akong kumanta at umarte.

"Para kaya kong gawin lahat—singing, acting, and dancing."

Ngayong teenager na, nais naman daw sumubok ni Jillian ng roles na iba sa ginampanan niya noong siya ay child actress pa.

"Siguro iba naman po sa mga nagawa ko na noon.

"Kasi yung mga roles ko na nagawa noon, puro pa-cute na malungkot na umiiyak.

"Siguro gusto kong i-try yung mga parang [may] mental disorder.

"Challenging sa akin at hindi ko po talaga nata-try at hindi ko pa nagagawa sa teleserye," sabi ni Jillian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN