Ara Mina denies alleged affair with a government official: "Walang ganyang pangyayari."

IMAGE Noel Orsal

Ara Mina has denied accusation that she has a secret affair with a government official who is about to get married. "Walang ganyang pangyayari," says the actress.


Itinanggi ni Ara Mina ang alegasyong may lihim na relasyon siya diumano sa isang government official.

Ngayong Martes ng hapon, May 29, ay nagpadala ng mensahe ang PEP.ph senior staff writer na si Arniel Serato kay Ara, sa pamamagitan ng text messaging, upang kunin ang panig niya sa ipinupukol na isyu sa kanya.

"Walang ganyang pangyayari," maikling sagot ni Ara.

Ayaw na rin daw idamay pa ni Ara ang ibang mga taong nababanggit sa isyung ito.

Pakiusap ng aktres, "Wag na idamay yung mga tao sa ganito."

Maliban dito ay tumanggi na si Ara na sagutin ang iba naming mga katanungan.

Nagsimula ang isyung ito sa blind-item report tungkol sa isang aktres na nahuli diumano ang relasyon sa isang government official ng mismong asawa ng huli.

Ito ay dahil sa cell phone na ipinahiram ng aktres sa misis ng lalaki na kanyang inimbitahan sa stage para mag-duet sila.

Ayon pa sa blind item, hindi alam ng misis ang kanta kaya ipinahiram ng aktres ang cell phone nitong naglalaman ng lyrics.

Pero habang umaawit sila, biglang nagpadala ng text message ang government official, na dahilan para malaman ng misis ang secret relationship nila ng showbiz personality.

Sinabi sa blind item na nangyari ang insidente sa isang event na imbitado ang aktres para magbigay ng entertainment, at ang misis ng government official ang tinawag niya mula sa audience at pinaakyat sa stage para kumanta kasama siya.

Kalaunan ay pinangalanan si Ara na siyang tinutukoy na aktres sa blind item na ito.

Ngunit isang source ang naglinaw sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ilang detalye tungkol sa balitang ito.

Una, hindi pa asawa ng government official ang babae dahil ikakasal pa lamang sila.

Ikalawa, hindi sa event sa isang lalawigan nangyari ang insidente kundi sa mismong birthday party ni Ara sa isang café.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Ara accused of having an affair with a government official
Ara accused of having an affair with a government official


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN