Macky Mathay warns troll who attacks girlfriend Sunshine Cruz online

IMAGE Courtesy: @mackymathay on Instagram

Binalaan ni Macky Mathay ang isang netizen sa Facebook na huwag nang makisali sa gulo na sangkot ang girlfriend na si Sunshine Cruz at Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya. 


Ipinagtanggol ni Macky Mathay III ang girlfriend na si Sunshine Cruz laban sa nagtu-troll dito kaugnay sa investment mess na kinasasangkutan ng aktres at ng negosyanteng si Kathelyn Dupaya.

Sa kanyang Facebook post ngayong araw, May 31, sinabihan ni Macky ang isang netizen, na may user name na Yapadu Lahoylahoy Sunnix, na manahimik na lang dahil alam naman daw nito ang buong katotohanan.

Sabi ni Macky, "Kung makapag-post ka sa Facebook Yapadu Lahoylahoy Sunnix parang hindi mo alam kung ano talaga ang nangyari.

“Na nanahimik lang ako dahil mga babae ang nagtatalo dito, ngayon [pero] ng mag-post ka against my Sunshine, ako ngayon ang tinabla mo.

“Kung ako sa 'yo manahimik ka na lang kasi alam mo ang katotohanan. Galamay ka lang!”

Ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Yapadu Lahoylahoy Sunnix ay kamag-anak daw ni Kathelyn.

Nag-invest si Sunshine ng milyong pisong halaga sa negosyo ni Kathelyn noong 2017.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa raw naibabalik ang halos kalahati ng kanyang na-invest sa Brunei-based company ni Kathy.


Stories We Are Tracking

Sunshine Cruz breaks silence on claims of Kathelyn Dupaya
Sunshine Cruz breaks silence on claims of Kathelyn Dupaya

Bukod kay Sunshine, ilan pang pangalan na nasangkot sa nasabing kontrobersiya ay sina Ynez Veneracion, Ara Mina, Joross Gamboa, Dianne Medina, at ang perfume magnate na si Joel Cruz.


Stories We Are Tracking

Ynez Veneracion lambasts businesswoman over money issue
Ynez Veneracion lambasts businesswoman over money issue
Brunei-based businesswoman lashes back at Ynez Veneracion
Brunei-based businesswoman lashes back at Ynez Veneracion
Ynez speaks up about falling victim to investment scam
Ynez speaks up about falling victim to investment scam

Sinampahan na ni Joel ng reklamong estafa si Kathy.


Stories We Are Tracking

Joel Cruz files estafa case against Kathelyn Dupaya
Joel Cruz files estafa case against Kathelyn Dupaya


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15,-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN