Lotlot de Leon confident daughter Janine Gutierrez can handle bashers amid reported team-up with Alden Richards

IMAGE Instagram

Lotlot de Leon admits that as a parent, she can't help getting hurt for daughter Janine Gutierrez for all the bashing. Janine is now the target of some netizens amid buzz that she will be Alden Richards's leading lady in the upcoming prime-time series Victor Magtanggol. 


Ayon sa aktres na si Lotlot de Leon, tingin niya ay kakayanin ng anak na si Janine Gutierrez ang pamba-bash ng ilang netizens kaugnay ng balitang pagtatambal nila ni Alden Richards.

Wala pa mang pormal na announcement, nagsisimula na ang pag-atake ng ilang bashers kay Janine dahil malakas ang usap-usapang siya ang magiging katambal ni Alden sa upcoming prime time series nitong Victor Magtanggol.

Umaalma ang ilang fans ng tambalang AlDub, dahil gusto nilang si Maine Mendoza ang katambal ni Alden sa projects ng GMA-7.

Ano ang masasabi ni Lotlot tungkol dito? Sa tingin ba niya ay kakayanin ng anak ang bashers?

"Yes po, kaya niya!" bulalas ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Nung bago or nung umpisa pa lang, siyempre parang na-culture shock siya.

“Hindi naman kasi sanay si Janine… noong una dahil wala naman talaga siya sa showbiz.

"Pero little by little, naintindihan na din niya."

May ipinapayo ba si Lotlot kay Janine?

“Matatag naman ang anak ko, although ipokrita ako kung sasabihin ko hindi ako nasasaktan para sa kanya.

"Kahit nagtatrabaho ka lang, ang daming opinyon.”

Dagdag pa ni Lotlot, “Pero iyan naman ang una ko pa lang in-explain sa kanya before she decided to enter itong trabaho na napili niya.

“Madami siyang maririnig—may maganda, may hindi maganda.

"But as long as wala naman siyang ginagawang mali at focused siya sa work, okay na yun.

“Kasi nga, you can't please everyone.

"Ako nga ang lagi niyang pinapaalalahanan na huwag papatol!

“Siyempre anak ko iyan. Kapag sa akin, kaya kong harapin, pero iba pala talaga pag anak mo na ang kinukutya.

“But then again, she's strong and I'm really proud of her.”

MAGPAKAILANMAN GUESTING. Gaganap si Lotlot sa darating na episode ng GMA-7 anthology na Magpakailanman bilang Vicky.

Ang naturang episode ng Magpakailanman na may pamagat na "Ang Batang Hindi Tumatanda" ay kuwento ni Justin Amar, na may isang kakaibang karamdaman.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa direksyon ni Rechie del Carmen, gagampanan mismo ni Justin ang kanyang sariling karakter at kasama rin dito sina Kyle Ocampo, Princess Guevarra, at Althea Ablan.


Ayon kay Lotlot, “I play the mom of Justin. Kasama ko din si Yul Servo who plays the character of Jeff, papa ni Justin.

"It's a story of Justin, how he faced his fears and kung paano siya naging matatag and kung paano ginawa lahat ng mga magulang niya para ipaglaban ang buhay ng anak nila, and kung paano nila nalampasan ang mga pagsubok na dumating sa kanila.”

Gaano naka-relate si Lotlot sa naturang kuwento ng Magpakailanman?

“As a parent, gagawin mo ang lahat para sa ikabubuti ng anak mo.

"Na kahit na nasasaktan si Mama Vicky kapag nakikita niya na nasasaktan anak niya ay hindi niya ipinapakita.

“Instead, she gives her son the courage to fight all the trials. Sa kanya humuhugot ng lakas ang pamilya.

“I guess parang ganun din ako sa mga bata pag may pinagdadaanan sila.”

DONGYAN. Pinagkuwento rin namin si Lotlot tungkol sa page-guest niya sa Tadhana, kung saan for the first time ay hindi host si Marian Rivera ng show kundi lead character dahil anniversary episode ng nabanggit na Kapuso show.

First time din na ang direktor ng Tadhana ay si Dingdong Dantes, ang mister ni Marian.

Ani Lotlot, “Na-miss ko sila! The last time I worked with Marian was a long time ago, for Dyesebel.

"Pero every time we see each other, parang kahapon lang. Malambing at sweet pa din siya.

“Si Dong, nakatrabaho ko ulit sa Kubot at ganun din, pareho sila ni Yan.

“I'm really happy for both of them. Mahal ko yung dalawang yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN