Kobe Paras expresses love for mom Jackie Forster, half-siblings

IMAGE Courtsey: @jackie_forster on Instagram

Maraming netizens ang natutuwa sa pagiging sweet ni Kobe Paras sa kanyang inang si Jackie Forster at mga kapatid nito na kasalukuyang nasa London, England.


Bumalik na sa London, England si Jackie Forster kasama ang mister nitong foreigner at mga anak nilang sina Caleigh, Jared, at Yohan.

Aktibo ang dating aktres sa pagpu-post ng mga larawan at video nilang pamilya sa London.

Noong Miyerkules, May 30, nag-post si Jackie tungkol sa pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak.

Mensahe niya sa kanyang post, “A mama’s love knows NO bounds!!! To love is to protect AND respect. Don’t come for my cubs, mamas prayers are pretty potent #Godiswatching.”

Nagkomento naman agad dito ang pangalawang anak ni Jackie na si Kobe Paras, isa sa dalawang anak ng aktres sa dati niyang asawa na si Benjie Paras.

Sabi ni Kobe, “LOVE YOU MAMA.”


Kasunod na post ni Jackie ay ang tungkol naman sa lugar na pinapasyalan nilang pamilya.

Una ring nagkomento si Kobe tungkol sa video.

Sabi niya, “Hello my little princess. Wish I was there with you guys. Miss you all.”


Ngayong taon lamang nagkaayos sina Jackie, Kobe, at ang panganay na si Andre Paras matapos ang lagpas isang dekadang tampuhan.


Stories We Are Tracking

Jackie Forster recounts emotional reunion with Andre, Kobe
Jackie Forster recounts emotional reunion with Andre, Kobe


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15,-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN