Ryle Santiago dismisses Vice Ganda-Ronnie Alonte rumored romance

IMAGE Instagram

Ryle Santiago on closeness of co-Hashtags member Ronnie Alonte to Vice Ganda: "Bakit namin mamasamain, e, katrabaho din naman namin siya? Unless may masama talagang ginagawa... e, mukhang wala naman. Magkaibigan lang na nag-e-enjoy, nagtatrabaho."


Ipinagtanggol ni Ryle Santiago ang kapwa niya Hashtags member na si Ronnie Alonte at ang kasamahan nila sa It’s Showtime na si Vice Ganda.

Ito ay kaugnay ng pagli-link kina Vice at Ronnie dahil sa sobra raw pagiging malapit ng dalawa.

Sabi pa nga ng ilan, ginagamit daw ni Ronnie si Vice para lalo itong sumikat.

Pahayag ni Ryle tungkol dito, “I don't wanna look at Ate Vice na gamitan siya, ayoko ng ganun.

“Ang akin, bakit mamasamain kung ka-close mo ang katrabaho mo?

“Katrabaho naman namin lahat si Ate Vice, e, lahat naman kami kahit papaano may relationship kay Ate Vice.

“So, what difference does it make kay Ronnie?

“Kasi si Ronnie lang siguro ang una niyang pinaka-close, pinaka nauna lang.

“E, lahat naman kami mahal ni Ate Vice, lahat naman kami mahal si Ate Vice.”

Hindi rin daw nila minamasama ang pagiging close nina Vice at Ronnie.

Ayon kay Ryle, “Hindi namin minamasama.

“Bakit namin mamasamain, e, katrabaho din naman namin siya?

“Unless may masama talagang ginagawa... e, mukhang wala naman.

“Magkaibigan lang na nag-e-enjoy, nagtatrabaho.”

Tiniyak ni Ryle na walang lugar ang inggitan o kumpetisyon sa grupo nila.

“Hindi, actually hindi. Kami kasing Hashtags, araw-araw kaming magkakasama.

“We travel the Philippines. We sleep together in rooms, minsan same bed.

“Yung bonding ninyo talaga, mag-iiba.

“Para saan ba ang kumpetisyon, e, iisang grupo lang kayo?

“Kung magsama-sama kayo, aangat ang isa, magku-complement-an tayo para mas maganda.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryle sa launching niya bilang celebrity endorser ng clothing apparel na BNY noong May 26.

BUGOY AND JON. Tinanong din ng PEP.ph si Ryle kung babalik pa ba sa Hashtags sina Jon Lucas at Bugoy Cariño.

Saad ni Ryle, “Ang alam ko, oo, kasi pag tinatanong ko kung babalik ba, ‘Puwede naman,’ gumaganun sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi akong nangangamusta sa kanilang dalawa.

“Miss na miss ko silang dalawa, lalo na si Jon. Iba rin kasi ang pinagsamahan namin ni Jon.

“Nauna si Jon sa Hashtags kaya, every now and then, nagpaparamdam ako sa kanya, nagme-message ako sa kanila, ‘Miss ka na namin, miss na kita.’”

Bagamat wala pang kumpirmasyon, usap-usapang nasuspinde sina Jon at Bugoy sa grupo dahil diumano sa pagiging binatang ama nila.

Para naman kay Ryle, sinabi nitong malayong mangyari ito sa kanya dahil nag-iingat daw siya sa ganung mga sitwasyon.

Aniya, “Wala akong woman, wala akong girls… I'm confident.

“Ingat? Oo naman! Ayokong, allegedly, makabuntis nang maaga.

“Gusto ko pag set na ang lahat, ayokong mangangarag ako, magpa-panic ako, ‘Ano ba ang gagawin ko sa buhay ko? Saan ako kukuha ng pera? Paano na ang career ko?’

“Gusto ko, slowly but surely. When the right time comes, go. Kahit sampu pa yun.”

Nagpapasalamat naman si Ryle sa sunud-sunod na mga trabaho at endorsement niya.

“Sobrang nagpapasalamat ako kay Lord, pero sana marami pa rin, marami pa ring sumunod para makapag-ipon din ako sa future.

“Masarap yung di ka nag-aalala sa future mo.

“I'm happy na kahit papaano, I'm young and I'm working. I'm considered, kahit papaano, bankable already.”

Nagbibigay na ba siya ng panggastos sa bahay nila?

Tugon ng anak ni Sherilyn Reyes, “Hindi po. Kahit nag-o-offer ako na makihati sa kuryente, ayaw nila.

“Parang sinasabi nila, ‘Hindi mo responsibilidad iyan, responsibilidad namin yun.’

“Akin po yung kita ko, pero iniipon nila para sa akin.

“Mayroon akong isang account na kahit kailan bawal kong malaman and mayroon akong isang ATM account na dun ko kinukuha my daily expenses.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN