Miguel Tanfelix hopes to work with former StarStruck Kids batchmate Paul Salas

IMAGE Ruel Mendoza

Miguel Tanfelix hopes to work with former StarStruck Kids batchmate Paul Salas, who recently became a Kapuso again: "Sana nga po magkaroon kami ng chance to work together again. Nagkasama kami sa teleserye na Majika noong mga bata pa kami."


Hindi pa raw nagkikita sa GMA-7 ang former StarStruck Kids na sina Miguel Tanfelix at Paul Salas.

Huli raw nagkita at nagkausap ang dalawa noong concert pa ni Bruno Mars sa MOA Arena noong nakaraang May 3.

Happy si Miguel na muling nagbalik si Paul sa Kapuso network at looking forward itong makatrabaho si Paul sa isang show.

“Sana nga po magkaroon kami ng chance to work together again.

“Nagkasama kami sa teleserye na Majika noong mga bata pa kami.

“Kaya sa pagiging Kapuso niya ulit, magkaroon sana kami ng time na mag-bonding kasama ang ibang batchmates namin sa StarStruck Kids,” pahayag pa ni Miguel nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Kambal, Karibal sa Madison 101 Hotel and Tower in Quezon City last May 29.

Magka-batch sa StarStruck Kids sina Miguel at Paul noong 2004.

Panglimang natanggal si Paul at naging first runner-up naman si Miguel.

Taong 2008 noong lumipat si Paul sa ABS-CBN samantalang nanatili si Miguel sa GMA-7 bilang child actor hanggang sa i-build up siya bilang isa sa mga sikat na matinee idols nito ngayon.

HOPING FOR REUNION. Wish nga ni Miguel na magkaroon ng reunion ang StarStruck Kids, para raw muli silang magkita at magkumustahan.

Lahad niya, “Siyempre po, iba noong mga bata kami.

“Ang pinag-uusapan lang namin noon ay ang maglaro.

“Sa reunion, doon na namin malalaman ang iba’t ibang mga bagay tungkol sa isa’t isa.

“Nandiyan naman sina Sam Bumatay, Bea Binene, Sandy Talag, Ella Guevara.

“Sana yung ibang boys tulad nila Gabriel Roxas at JM Reyes nandiyan pa rin.

“Si Kurt Perez kasi, based na siya sa Australia.”

Happy din si Miguel na muling na-extend for another season ang primetime teleserye nila ni Bianca Umali na Kambal, Karibal.

DELAYED JAPAN VACATION. Dahil sa panibagong extension ng teleserye, naurong ulit ang Japan vacation nila ng ka-loveteam niyang si Bianca Umali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbiro pa si Miguel na baka raw mas meant na mag-Europe sila ni Bianca kesa mag-Japan.

“Dahil po sa extension ng Kambal, Karibal, hindi po ako nakakapag-book ng Japan vacation namin ni Bianca.

“Okey lang po iyon kasi ipon lang ako nang ipon, kasi nga po ang promise ko ay all-expense paid trip to Japan kay Bianca.

“Dahil sa naipon ko na ngayon, baka nga po hindi na kami mag-Japan. Baka mag-Europe na lang kami!” tawa pa ni Miguel.

Pero tutuparin pa rin ni Miguel ang pangarap ni Bianca na makapagbakasyon ito sa Japan.

“Japan pa rin ang una naming pupuntahan. Gusto po talaga ni Bianca sa Japan kasi dream vacation niya iyon.

“Basta naging maayos na ang lahat sa schedule namin, bakasyon grande kami.

“Pero hindi lang kaming dalawa, kasi may mga kasama kami,” pahabol pa niya.

NOT RUSHING TO COURT BIANCA. Nilinaw naman ni Miguel na hindi pa siya pormal na nakakapagligaw kay Bianca dahil hindi pa siya nabibigyan ng go signal ng lola ng aktres.

Yung approval na lang daw ng lola ang hinihintay ni Miguel para maligawan na niya ng pormal si Bianca.

“Hindi nga po pumayag muna si Lola Vicky, di ba?

“Ang sabi maghintay daw kami ng tamang panahon.

“I respect naman po ang mga sinasabi ng lola ni Bianca sa amin.

“Tama naman po siya na may tamang panahon para sa mga ganyang bagay.

“Ako naman po, kahit na gaano pa katagal akong maghintay ng approval ni Lola Vicky, okey lang po sa akin.

“Nandito naman ako parati para kay Bianca bilang kaibigan niya,” paninigurado ni Miguel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN