Is Ellen Adarna finally engaged to John Lloyd Cruz?

IMAGE @maria.elena.adarna on Instagram

Earlier today, June 3, Ellen Adarna posted a photo of her left hand wearing three rings, but deleted it after an hour. Does this mean that she is already engaged to John Lloyd Cruz?


Engaged na nga ba si Ellen Adarna sa boyfriend niyang si John Lloyd Cruz?

Ngayong gabi, June 3, ay nag-post ang ABS-CBN actress ng litrato ng kanyang kaliwang kamay na may suot na mga singsing.

Tatlo ang suot niyang singsing: isang simpleng tila kulay bronze na singsing, at dalawang singsing na may diamante.

Kapansin-pansin na mas malaki ang diamante sa ring finger ni Ellen kung ikukumpara sa mga singsing na suot niya sa kanyang middle finger.

Ang bukod-tanging caption lang na nilagay ni Ellen sa kanyang post ay isang heart emoji.


Subalit pagkalipas lamang ng isang oras ay dinelete na ni Ellen ang kanyang Instagram post.

Kahit na isang oras lamang ito naka-post sa Instagram ay marami pa rin sa celebrity friends ni Ellen ang nakakita at nag-pahayag ng pagkagulat, pagkakilig, at nagbigay ng congratulatory message kay Ellen.

Kabilang dito sina Isabelle Daza, Gretchen Barretto, Joyce Pring, Cat Arambulo, Mark Nicdao, at Beauty Gonzalez.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Ellen at John Lloyd tungkol sa kanilang pagpapakasal.

WEDDING RUMORS. Noong January 5, 2018 unang naibalita na naghahanda na si Ellen at John Lloyd sa kanilang pagpapakasal.

Ito ay dalawang buwan matapos ilathala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 2017 na buntis si Ellen at si John Lloyd ang ama.

Ayon sa post ng talent manager at entertainment columnist na si Lolit Solis, nag-contact na raw diumano ang showbiz couple ng florist at caterer para sa kanilang kasal.

Nagbigay rin siya ng ilan sa mga diumano'y magiging ninong at ninang ng dalawang ABS-CBN stars, kabilang na sina Dr. Joven Cuanang na minsang namuno ng St. Luke's Medical Center, at si Alberto Romulo, na dating foreign affairs secretary at ama ni Erwin Romulo, malapit na kaibigan ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong January 7, 2018 naman, sa panayam ng PEP.ph kay Beauty Gonzalez, sinabi ng aktres na hindi pa nakatakdang ikasal ang malapit na kaibigang si Ellen kay John Lloyd.

Noong January 8, 2018 naman ay nag-post ang showbiz couple sa kani-kanilang Instagram accounts ng tila pasaring nila kay Manay Lolit.

Unang nag-post si John Lloyd ng video na naglalakad sa dilim sa tila aisle ng isang garden-wedding set-up.

Caption dito ni John Lloyd: “take it, take it.”

Ganito rin ang ginawa ni Ellen nang mag-post siya ng video ng Instagram Story na kagaya ng ginawa ni John Lloyd.

Maririnig pa si Ellen na kinakanta ang wedding theme song at biglang sisigaw pagdating sa altar.

Wala mang direktang binanggit na pangalan ang showbiz couple sa kanilang Instagram posts, maaaring ito ay tumutukoy kay Manay Lolit at sa balitang inilabas niya tungkol sa diumano'y pagpapakasal ng dating Home Sweetie Home stars.

Ang "take it take it" ay siya ring catchphrase sa kasagsagan ng 1994 Manila Film Festival scam, na napatunayang pakana ni Manay Lolit.

Kahit na pinasaringan siya ng showbiz couple ay pinanindigan ni Manay Lolit ang balitang kanyang inilabas.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz and Ellen Adarna start wedding prep
John Lloyd Cruz and Ellen Adarna start wedding prep
Beauty Gonzalez shuts down John Lloyd-Ellen wedding reports
Beauty Gonzalez shuts down John Lloyd-Ellen wedding reports
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna take a swipe at Lolit Solis
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna take a swipe at Lolit Solis
Lolit Solis stands by story on John Lloyd-Ellen wedding prep
Lolit Solis stands by story on John Lloyd-Ellen wedding prep


ABOUT THE AUTHOR

TV addict-turned-PEP Guide writer. For more local TV and movie updates, follow @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN