Ciara Sotto seeks annulment of marriage to estranged husband Joe Oconer

IMAGE Instagram (@pinaypole) / File Photo

Ciara Sotto (left) reveals that she is single, free, and happier now. (Right photo) Ciara and estranged husband Joe Oconer during their wedding in 2016. 


Inamin ni Ciara Sotto na nasa proseso ng annulment ngayon ang kasal nila ng kanyang estranged husband na si Jojo "Joe" Oconer.

Ito ang ibinahagi ng aktres sa panayam niya sa May 30 episode ng Tunay Na Buhay ng GMA-7.

“We’re in the middle of, yun nga, annulment.

"Pero yun lang sana... siguro I don’t wanna talk about that first,” medyo paiwas na sagot ni Ciara nang tanungin tungkol sa estado ng marriage nila ng estranged husband.

Dugtong niya, “Pero right now, I’m free, I’m single, and I’m fine and I’m happier.”

Ikinasal sina Ciara at Joe noong 2010. 

Isinilang ni Ciara ang kanilang anak na si Crixus noong March 2015.

January 2016 nang kumpirmahin ni Ciara na umalis na siya sa bahay nila ni Joe, at bumalik sa bahay ng kanyang mga magulang na sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Third party ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Ciara at Joe.


Stories We Are Tracking

Ciara Sotto opens up about separation from husband
Ciara Sotto opens up about separation from husband
Ciara on good terms with estranged husband for son's sake
Ciara on good terms with estranged husband for son's sake

Kinumpirma naman ni Ciara na nakikita pa rin ng kanyang estranged husband ang kanilang anak.

“He sees him and they spend time together. They bond.

“I think it’s important din naman that he has a relationship with his dad.”

HELEN'S MESSAGE. Emosyunal naman si Helen nang magbigay ng mensahe para sa bunsong anak na si Ciara.

Naiiyak na mensahe ng beteranang aktres, “I know that God is in your heart every day of your life, so don’t worry, anak.

“I know how sincere you are, how honest you are…

“I’m sorry kung napapaiyak ako, anak, kasi I know what you’ve been through.

“Pero alam kong magiging maligaya ka pa rin, anak.

“Don’t worry, and me, as your mom, I’ll always be with you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN