Ellen Adarna no-show at first hearing of child abuse, cybercrime cases against her

IMAGE Photos from Facebook

Ellen Adarna fails to show up at the first hearing of the cases filed against her by the parents of a teenager the actress has accused of taking shots of her and boyfriend John Lloyd Cruz inside a restaurant last May.  


Hindi sumipot si Ellen Adarna sa unang hearing ng kasong child abuse at cybercrime na isinampa ng mga magulang ng teenager na si Eleila Santos laban sa aktres. 

Ginanap ang hearing sa Office of the City Prosecutor sa Pasig City ngayong Lunes, June 4.

Nagtungo ang mga magulang ni Eleila na sina Myra at Roel Santos, kasama ang kanilang abogado, sa Office of the City Prosecutor, ayon sa tweet ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe.

Nagtakda naman ng bagong hearing ang investigation prosecutor upang bigyan ng isa pang pagkakataon ang kampo ni Ellen para sagutin ang mga kaso.

Ayon sa mensaheng ipinadala ng abugado ng mga Santos na si Atty. Arnold Labay sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, "Hearing was reset to June 11 due to the absence of Ms. Ellen.

"Santos family would just await for the Child Abuse and Cybercrime cases to take its due course."

Nito lamang weekend ay pumanaw ang ama ni Ellen na si Alan Modeso Adarna dahil sa cardiac arrest.

Nakaburol ang mga labi ng ama ni Ellen sa Cosmopolitan Memorial Chapels, Inc. sa Mandaue, Cebu.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna's father passes away
Ellen Adarna's father passes away

May 15 nang magdesisyon ang mag-asawang Santos na sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 7610 o Anti-Child Abuse Law at R.A. 10175 o Anti-Cybercrime Law si Ellen dahil sa pag-post nito ng video sa social media ng kanilang 17-anyos na anak.

Inakusahan ni Ellen ang 17-anyos na dalaga na pina-“paparazzi” o kinukunan silang dalawa ng boyfriend na si John Lloyd Cruz ng video habang kumakain sa isang ramen restaurant sa Makati City noong May 4.

Tatlong araw pagkatapos ng insidente, May 7, nag-post ng open letter ang ina ng dalaga at humihingi ng public apology mula kay Ellen dahil sa ibinibintang nito sa kanyang anak.

Binanggit din ni Myra sa kanyang open letter na nakikipag-usap na sila sa kanilang abogado para sa legal assistance kung sakali mang hindi gawin ni Ellen ang public apology.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naglabas ng public apology si Ellen.

Makalipas ang isang linggo, nagdesisyon ang mga magulang ng dalaga na sampahan ng kasong child abuse at cybercrime ang aktres.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna sued for cyber crime, child abuse complaints
Ellen Adarna sued for cyber crime, child abuse complaints
Ellen still mum on demand for her to make a public apology
Ellen still mum on demand for her to make a public apology


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN