Elmo Magalona stands by brother Frank amid unjust vexation complaint

IMAGE Noel Orsal

Elmo Magalona on brother Frank Magalona: "He's my brother and I love him and he has my support."


Tiniyak ni Elmo Magalona na buo ang suportang ibibigay niya sa kapatid na si Frank Magalona.

Ito ay kaugnay ng akusasyon ng isang female VIP host sa isang bar sa Bonifacio Global City, Taguig, na hinipuan diumano siya sa puwet ni Frank.

Nangyari diumano ang insidente sa Revel Bar nitong Lunes ng madaling-araw, June 4.

Na-detain si Frank sa Southern Police District sa BGC matapos siyang ireklamo ng acts of lasciviousness.

Ngunit pinakawalan din siya pagkatapos ng imbestigasyon. Ibinaba rin ang reklamo sa kanya sa unjust vexation.


Stories We Are Tracking

Frank Magalona arrested for allegedly pinching woman's butt
Frank Magalona arrested for allegedly pinching woman's butt

Pahayag ni Elmo sa isyung kinasangkutan ng kanyang kuya, “I really don’t have any comment kasi I wasn’t there.

“Pero I think he’s really doing something about it din naman.

“At the end of the day, he’s my brother and I love him and he has my support.”

Sa pagkakakilala ni Elmo kay Frank, hindi raw magagawa ng kapatid ang ibinibintang dito.

“I don’t think so…

“I just really… I’m here for my brother if he needs me.”

Nalungkot ba siya isyung kinasangkutan ng kapatid?

“Siyempre. Wala naman tayong gustong marinig na ganyan, pero yun lang po masasabi ko.”

Paano niya susuportahan si Frank?

“Kahit ano pong support... words of advice kung bakit siya napunta sa ganun or ganyan…

“Basta kailangan niya ako, I’ll be there for him,” tugon ni Elmo.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Elmo sa press conference ng pelikulang Walwal ng Regal Films, Inc. nitong Martes ng hapon, June 5.

Kasama niya sa pelikulang ito sina Kiko Estrada, Donny Pangilinan, Jerome Ponce, Sophia Senoron, Jane de Leon, at Kisses Delavin.

Ito ay idinirek ni Jose Javier Reyes at ipalalabas sa mga sinehan simula sa June 27.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN