Piolo Pascual says nobody can replace John Lloyd Cruz

IMAGE Noel Orsal

Piolo Pascual says nobody can replace John Lloyd Cruz: "Lloydie will always be Lloydie


Patuloy ang pagiging abala ni Piolo Pascual sa kanyang showbiz career.

Sa kasalukuyan, tatlong shows ang kanyang ginagawa sa kanyang home network na ABS-CBN.

Bukod sa Sunday variety show na ASAP, meron siyang prime time series na Since I Found You at ang Saturday sitcom na Home Sweetie Home.

Hindi raw niya akalain na mula sa pagkakaroon lamang ng guest appearance sa Home Sweetie Home sa pagkawala ni John Lloyd Cruz ay magiging regular cast member siya ng show.

NO ONE CAN REPLACE JOHN LLOYD. Kasalukuyang naka-indefinite leave si John Lloyd sa showbiz at tinututukan ang personal na buhay.

Pati mga endorsements ni John Lloyd ay hindi na rin kasing dami gaya ng dati.

Kabaliktaran naman ang sitwasyon ni Piolo. 

Bukod sa kaliwa't kanang shows, sunud-sunod din ang kanyang endorsements. 

Tila siya na ang prayoridad ngayon ng mga advertisers.

Hindi naman nawalan ng endorsements si Piolo, pero mas dumoble pa raw ngayon.

Pero paglilinaw ni Piolo, walang makapapalit kay John Lloyd.

Sabi ni Piolo, “Lloydie will always be Lloydie.

“Nobody can replace him.

“I’m just really honored, happy and humbled na you know, at this point, nakakakuha pa rin tayo ng mga endorsements,” ani Piolo sa press conference ng kanyang new endorsement, ang My Daily Collagen sa Cities Events Place noong May 31.

Pero hindi lang daw pera ang dahilan ng pagtanggap niya ng endorsements.

“Hindi ko iniisip yun, mas minamahal ko ang mga endorsements ko ngayon.

“I make sure that I walk the talk. Hindi lang money.

"Importante rin na naniniwala ka sa ginagawa mo.”

Inusisa rin ang aktor kung gawin din niya ang ginawa ni John Lloyd na mag-indefinite leave sa showbiz.

“Hindi naman, hindi naman,” sagot niya.

“I love what I do and I’m thankful.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN