Piolo Pascual on Shaina Magdayao: "No, we're not dating."

IMAGE Noel Orsal

Piolo Pascual says he and Shaina Magdayao are no longer dating. "Mahirap naman kung sabihin mo [oo], 'tapos hindi naman totoo, di ba?"


Bukod sa kawalan ng love life, inamin din ni Piolo Pascual na zero rin ang sex life niya.

May ilang entertainment press na nakaalala sa naging statement niya noon na sa edad na 40, love life naman ang magiging prayoridad niya at pagtutuunan ng pansin.

“Sinabi ko rin yun,” pag-amin ni Piolo, 41, sa press conference ng kanyang bagong endorsement nitong May 31.

Pero, hindi raw mabitawan ng aktor ang magagandang projects na naibibigay sa kanya.

Abala si Piolo sa Sunday variety show na ASAP, sa sitcom na Home Sweetie Home, at ang prime time series na Since I Found You.

“Akala ko nga wala na akong trabaho sa ABS.

“I’m just really focusing on what I have to do at yung mga time na wala akong ginagawa, tinutulog ko na lang.”

REAL SCORE WITH SHAINA. Matagal nang nali-link sa kanya si Shaina Magdayao.

Pero pag-amin ni Piolo sa estado ng relasyon nila, “No, we’re not dating.”

Taliwas ito sa sinabi niya noong Marso na "six years" na sila ng aktres.

Pero sa sumunod niyang pahayag, tila hindi nag-progress mula sa dating stage ang paglabas-labas nila noon lalo pa't pareho silang busy.

Aniya, “Before…Yun lang, ngayon, kasi siyempre, mahirap naman kung sabihin mo [oo], 'tapos hindi naman totoo, di ba?

“Pero kami ni Shai naman, for five or six years, talagang if there’s any time na makakalabas kami, lumalabas kami.”


Stories We Are Tracking

Piolo Pascual hints at six-year relationship with Shaina
Piolo Pascual hints at six-year relationship with Shaina
Piolo on hugging photo with Shaina in Berlin: 'Malamig, e.'
Piolo on hugging photo with Shaina in Berlin: 'Malamig, e.'
Shaina Magdayao explains intimate photo with Piolo Pascual
Shaina Magdayao explains intimate photo with Piolo Pascual
Piolo reacts strongly to 'gamitan issue' with Shaina
Piolo reacts strongly to 'gamitan issue' with Shaina

MORE KIDS? May anak si Piolo, ang 20-anyos na si Iñigo Pascual.

Pero gusto pa rin daw niyang bigyan ng mga apo ang kanyang ina.

 “Marami pang apo kung kaya, sayang naman ang trabaho natin, ‘no,” saad niya.

Kailan niya ipaprayoridad ang bagay na ito?

“Kapag hindi na tayo ganun ka-busy. Depende sa ABS.”

Dagdag niya, “Akala ko nga tapos na 'ko. Imagine, nandito pa rin ako.

“Darating naman yun. It’s not something we force.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN