Ellen Adarna attends wake of her father in Cebu with John Lloyd Cruz

IMAGE Courtesy of owner (left) / Instagram Story of @mikaadarna (right)

Nanatiling tahimik ang kampo ni Ellen Adarna tungkol sa pagpanaw ng kanyang amang si Alan Modesto Adarna noong Sabado, June 2, dahil sa cardiac arrest. 


Hanggang ngayon ay halos walang makikitang social media posts sina Ellen Adarna, mga kapatid nito, at mga kaibigan tungkol sa lamay ng namayapang ama ng aktres na si Alan Modesto Adarna.

Sa edad na 58, pumanaw ang negosyante dahil sa cardiac arrest noong nakaraang Sabado, June 2.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna's father passes away
Ellen Adarna's father passes away

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa iilang sources mula sa Cebu, nais ng pamilya Adarna na gawing pribado ang kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ni Alan.

Ito marahil ang dahilan kaya walang posts sa social media ang halos lahat sa kanila.

Kahapon, June 5, may nag-post sa Instagram ng isang larawan nina John Lloyd at Ellen na tila kuha sa lamay.


Nag-post din kahapon sa kanyang Instagram Story ang pinsan ni Ellen na si Mika Adarna ng apat na segundong video, kung saan makikitang nagkaroon ng isang musical tribute para sa yumaong businessman sa Cosmopolitan Memorial Chapels, Inc. sa Mandaue, Cebu.


Noong nakaraang Linggo, June 3, nag-post din siya sa kanyang IG Story ng tatlong segundong video, kung saan makikitang nasa nasabing memorial chapel ang mga kapatid ni Ellen.


Sa Biyernes, June 8, nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan si Alan sa Queen City Memorial Gardens, isang Chinese cemetery sa Cebu.

Muli, nakikiramay ang PEP.ph sa pamilya Adarna. 


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN