JM de Guzman clarifies "single ka ngayon" remark about Barbie Imperial

IMAGE Marlon Salazar

After joking about Barbie Imperial being single, JM de Guzman says she and Paul Salas are still together.


Nilinaw ni JM de Guzman ang biro niya tungkol sa pagiging single ng leading lady niyang si Barbie Imperial.

Sa guest appearance ng dalawang lead actors ng Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi sa PEP Live kamakailan, pabirong idineklara ni JM na single na si Barbie, na kilalang girlfriend ni Paul Salas.


Stories We Are Tracking

JM asks Barbie:
JM asks Barbie: "Single ka naman ngayon, di ba?"
JM de Guzman:
JM de Guzman: "Malandi ako kapag wala akong girlfriend."

“Naging biruan kasi namin yun ni Barbie,” bungad ni JM nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kamakailan.

“Nag-relate siya sa akin minsan sa taping, na parang mayroon silang pinagdadaanan, shinare niya lang.

“Kasi minsan, nag-uusap din kami ng mga personal and na-share niya yun, na parang nag-away yata sila, [cool off] sila.

“Biniro ko lang sa PEP.

“Ayun, sila na uli, masaya sila.

“Totoo yun pero naayos. Nangyayari naman yun talaga."

Samantala, masaya ang Kapamilya aktor na marami ang nagsasabing may chemistry sila on screen ni Barbie.

Sabi ni JM, “Actually nung una medyo nahihirapan din kami.

“Nung pino-promote pa lang namin yung show, marami ang nagda-doubt dun sa age gap.

“Bina-bash na agad di pa kami umeere.

“Ayun nagbunga naman yung team effort namin."

May 10-year age gap ang dalawa—si JM ay 29 years old, habang si Barbie ay 19 years old.

Sa PEP Live, sinabi ni JM na masaya ang working relationship nila.

Aniya, “Basta kasi masarap, e. Masaya kasi siya ngayon. Masaya katrabaho, masaya maka-bond.”

Panoorin ang kabuuan ng panayam ng PEP.ph kina JM at Barbie rito:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN