Kris Aquino says President Duterte's special assistant Bong Go apologized for incident with Mocha Uson

IMAGE Instagram / Facebook (Presidential Photo)

Kris Aquino says Bong Go, special assistant to President Rodrigo Duterte, apologized to her after incident with Mocha Uson.


Humingi ng paumanhin si Bong Go, special assistant (SA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, kay Kris Aquino matapos makipag-ugnayan ng huli sa government official.

Ayon mismo ito kay Kris na ibinahagi ang nangyari sa kanyang Instagram account ngayong araw, June 6.

Nagsimula ito sa Facebook Live video ni Mocha na ipinagtanggol si Pangulong Duterte dahil umani ito ng batikos pagkatapos halikan sa labi ang isang Filipina overseas Filipino worker sa recent visit niya South Korea.

Ani Mocha, wala raw itong ipinagkaiba sa paghalik ng dalawang Pilipina kay Ninoy Aquino, ama ni Kris, ilang oras bago ito paslangin noong 1983, pagkalapag ng eroplano nito sa Pilipinas.

Hindi pinalampas ni Kris ang pagdawit ni Mocha sa pangalan ng yumaong ama, at hinamon nito sa pamamagitan ng isang post sa Instagram ang dating starlet sa isang debate o sabunutan.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson
Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson
Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan
Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan

Pagkatapos noon ay tinawagan niya si Bong.

“I took the courage to reach out to PRRD’s SA Bong Go.

“I have known & liked him for 8 years,” paliwanag ni Kris.

“In this instance i am Ninoy Aquino’s daughter—he believed in the power of true & honest communication...”

Pinasalamatan ni Kris si Bong sa pagsagot sa kanyang text message.

“SA Bong, thank you for your reply. Thank you for taking my feelings as a daughter into consideration & showing me EMPATHY.

“I am most grateful for a man as powerful as you are now for texting & vibering me the words ‘we are sorry for the incident.’

“You have my sincere gratitude.

“We all have 1 goal, a nation we can be proud of, and the best possible prosperous lives for all Filipinos.

“I love our country as much as our president does. I pray for #PEACE & mutual #respect for all of us. God bless you”


Sa tweet ng GMA reporter na si Cedric Castillo, ibinahagi nito na ipinakita ni Bong kay Pangulong Duterte ang palitan nila ng text messages ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN