Marlo Mortel admits falling for Janella Salvador; reveals why he did not court her

IMAGE @marlomortelmusic on Instagram

Marlo Mortel reveals there was a time he felt something for his former screen partner, Janella Salvador. "Sa time na magkasama kami, hindi mo naman maiiwasan na made-develop ka. That time sobrang bata pa siya, parang 16 or 15. Kaya hindi ko siya niligawan," he said.


Ipinagtanggol ni Marlo Mortel ang dating ka-love team na si Janella Salvador sa mga bumabatikos dito dahil sa pagpapalit-palit ng screen partner.

Sumunod kay Marlo si Elmo Magalona, ang mainstay na ka-love team ni Janella, at recently ay si Jameson Blake, ang ka tandem nito sa pelikulang So Connected.

"Hindi naman siya yung nagde-decide nun, e,” lahad ni Marlo nang makausap ng PEP.Ph (Philippine Entertainment Portal) through cellphone.

Sabi pa niya, “Kumbaga ipini-pair up siya, hindi ko alam why bakit paiba-iba.

"Basta ako I wish her the best, kahi't kanino man siya ipareha susuporta ako.

"Bilang naging sobrang close talaga kami, gusto ko lang na maging succcessful siya.”

Okey lang ba kay Marlo kung ibabalik ang love team nila ni Janella? 

Tugon ng Kapamilya actor, ”Okey lang, siyempre, work pa rin yun.

"Alam naman natin na need ko talaga ng maraming work para sa Mommy ko. 

"Tsaka work is work and okey naman siya  kasama. 

"And, of course, nami-miss ko din naman siyang kasama.”

Na in love ba si Marlo sa dating ka-love team?

"Siyempre sa time na magkasama kami, hindi mo naman maiiwasan na made-develop ka.

“That time sobrang bata pa siya, nung panahon namin parang 16 or 15, ganun lang edad niya.

"Alam kong hindi pa puwede kaya hindi ko siya niligawan. 

"Pero sinabi ko sa kanya na crush ko siya.

HANDS-OFF. Wala daw masasabi si Marlo away ng mag inang Janella at Jenine Desiderio. 

Pasubali niya, “I respect Janella and I respect Tita Jenine, so hayaan na lang natin sila.

"Alam ko naman na sa tamang panahon magiging okey din sila sa isa't -isa.”

Samantala, naroon pa rin ang Marnella fans kahi't wala na ang love team nila Marlo at Janella.

In touch pa rin daw ang aktor sa mga ito, “Okey pa din naman with them.

“Pag nakikita ko sila binabati ko, nagti-thank you ako. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naging part pa rin naman sila ng aking journey sa showbiz.

"Ganun talaga ako sa kanila hindi magbabago ang pagtingin ko sa kanila, may Marnella man o wala.

"Nakakatuwa nga ang Marnella kasi sumasama sila sa Marlo's World. 

"Nakikita ko silang nagsu-support sa mga mall shows ko, kaya natutuwa ako at nagpapasalamat din sa kanila."

Marlo's World ang tawag sa fan group na sumusuporta kay Marlo Mortel.


Stories We Are Tracking

Marlo Mortel opens up about disbandment of MarNella
Marlo Mortel opens up about disbandment of MarNella
Marlo on past team-up with Janella:
Marlo on past team-up with Janella: "Nanghinayang ako"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN