Kris Aquino gets support from fellow celebrities in word war vs. Mocha Uson

IMAGE Cyrus Panganiban

Kris Aquino is grateful for the messages of support from her celebrity friends.


Nagpakita ng suporta kay Kris Aquino ang ilang kapwa niya celebrity sa word-war na kinasasangkutan niya kay Presidential Communications Operations Office (PCCO) Assitant Secretary Mocha Uson.

Inalmahan ni Kris ang ginawang pagpo-post ni Mocha sa Facebook page nito ng aniya’y paglapastangan sa alaala ng kanyang mga magulang na sina dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino.

Sa naturang post, ikinumpara ng dating sexy actress-performer ang paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) sa South Korea kamakailan, sa paghalik kay Ninoy ng dalawang babaeng kapwa pasahero sa eroplanong kinalululanan ilang minuto bago ito mapatay sa tarmac ng Manila International Airport noong August 21, 1983.

Intensyon ng post ni Mocha na ipagtanggol sa pambabatikos ng netizens ang ginawang paghalik ni Presidente Duterte sa babaeng OFW.

Idinaan ni Kris sa kanyang Instagram at Facebook Live ang reaksyon sa ginawa ni Mocha. Dito ay ipinahayag niya ang kanyang galit sa post ng die-hard Duterte supporter at hinamon pa niya ito ng sabunutan o debate.

Asec Mocha Uson - marami akong pinalagpas. Binalahura mo na ang buong pagkatao ng pamilya namin... Mapapansin mo si Noy, hindi parte ng video ko dahil BUHAY siya. Kaya niyang depensahan ang sarili niya. Pero nung napanuod ko yung inupload mo para depensahan si presidente Duterte (na ni minsan hindi ko pinakitaan nang hindi maganda) alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Sinariwa mo ang sugat sa puso ng isang batang 12 years old nung pinaslang ng walang kalaban laban ang kanyang ama. Umiyak ako nang tuloy tuloy dahil NAINGGIT ako sa 2 babaeng nakahalik sa Dad ko bago siya pinatay. Isang regalong hindi binigay sa nanay ko na walang tigil mo ring binabastos. Nangako akong hindi kita papatulan - but this time you crossed the line. You reminded me of how much I hurt my mom nung buntis ako kay Josh & na-disown ako pero nung 1 month si kuya - naglakas loob akong pumunta sa Times Street & once kinarga niya 'yung apo niya - siya na 'yung pinakanagmahal sa anak kong may autism. Pinaalala mo na nung issue namin ni Joey, nung umamin ako sa STD, niyakap lang ako ng nanay ko. Sa lahat ng naging palpak sa buhay ko - 'yun siguro ang kaibahan namin - WALA KAMING PINAGTAKPAN. Wala kaming ginamit. Inako ko lahat ng mali ko at dahil nga minahal ako ng nanay ko at gusto kong maging mabuting ina - sinisikap kong ayusin ang buhay ko. Kaya ngayon hihiramin ko ang salita niya: TAMA NA. SOBRA NA... Kung may gusto kang punching bag, please ako na lang. Kasi buhay ako, kaya kitang sagutin. At hindi kita uurungan. ????????????????????

A post shared by KRIS (@krisaquino) on


Stories We Are Tracking

Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson
Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson
Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan
Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan

Tinugunan naman ni Kris ng pasasalamat ang mga celebrity na nagpaabot ng suporta sa kanya.












WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN