Gretchen Barretto draws flak for laughing at a letter featured on her Instagram charity

IMAGE Deleted photo of Gretchen Barretto on Instagram

Gretchen Barretto and her friends apologized for laughing at a lengthy letter sent for the former actress' wish-granting activity on Instagram. She said, "I'm sorry... We're not supposed to be doing that, but I can't help it."


Umaani ngayon ng batikos si Gretchen Barretto at ang kanyang mga kaibigan dahil sa Instagram video na nagpapakitang natatatawa sila sa isang letter sender na humihingi ng tulong.

Ang video ay mula sa Instagram Live ni Gretchen kagabi, June 6, kung saan pumili sila ng letter sender na bibigyan ng tulong. Nagsimula ang wish-granting ni Gretchen noong April 1, Easter Sunday.


Stories We Are Tracking

Gretchen Barretto spends Easter granting wishes of 11 fans
Gretchen Barretto spends Easter granting wishes of 11 fans

Isang netizen ang nakakopya ng ilang bahagi ng Instagram video at ipinost sa Facebook.

Ang punto ng Facebook user na si Harvey Balicog ay hindi kaaya-aya ang naging asal ni Gretchen at ng kanyang mga kaibigang sina Mimi Que at Patty Pineda habang binabasa ang liham ng isang letter sender mula sa Surigao.

Sabi nito, “Inappropriate to show this video in public tsk! so insensitive! Why laughing? Kung tutulong lang naman din ba't pa pagtatawanan? You guys are lucky for having a good life!...kung wrong grammar man galing. Kamu na lang siguro mag-adjust total kamu may nakaeskwela! Tsk! Taga Surigao pajud inyo gi ing ana seeees! Here's my 10 cents mga hambog! ???”

Sa ngayon, mayroon nang mahigit sa 3,500 na reactions, halos 260 comments, at mahigit 5,000 shares ang Facebook post ni Harvey.

Sa comments, maraming pumuna sa grupo ni Gretchen dahil inakalang pinagtatawanan nila ang mali-maling grammar ng letter sender.



Ngunit kung panonoorin nang maigi ang video, mapapansin na ang reaksiyon nila ay dahil sa paliguy-ligoy na kuwento ng letter sender.

Ito rin ang napansin ng ilang nag-comment sa Facebook post.




Sa katunayan, sa isang bahagi ng video, sinabi ng kaibigan ni Gretchen na si Mimi, “Para nang nalilito ako.”

Sabi naman ni Gretchen nang sinubukan niyang basahin muli ang liham, “Wait a minute, I have to be smart.”

Humingi naman agad ng paumanhin si Patty matapos nilang basahin ang liham.

Aniya, “Sorry. It's so funny kasi ang haba ng explanation, but the request is Ensure for someone else.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-sorry rin si Gretchen, “I'm sorry... We're not supposed to be doing that, but I can't help it.

Sa huli ay binigyang-katuparan pa rin ng kanilang grupo ang mga hiling ng letter sender.

Gayunman, sa palagay ng maraming nakakita ng Instagram video ni Gretchen, mali pa rin ang naging asal ng kanilang grupo habang binabasa ang liham.




Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingin ang pahayag ni Gretchen tungkol dito sa pamamagitan ng private messaging sa Instagram. Sa ngayon, wala pang tugon ang aktres sa aming mensahe.

Gayunman, bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang nais iparating ni Gretchen tungkol sa isyung ito.


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN