Kris Aquino slams James Yap for "magiging bakla" comment on son Bimby

IMAGE Arniel Serato / Noel Orsal

May mga bagong pahayag si Kris Aquino laban sa ex-husband na si James Yap. Dito ay ibinulgar niyang hinusgahan daw ni James na magiging bakla ang anak nilang si Bimby Aquino-Yap dahil marami raw baklang nakapaligid kay Kris. 


Sa kanuna-unahang pagkakataon, nagkuwento si Kris Aquino kung bakit ayaw na ng anak niyang si Bimby Aquino-Yap na makipag-ugnayan sa amang si James Yap.

Sa exclusive at live interview ni Kris kay Cristy Fermin sa programang Cristy Ferminute ng Radyo Singko 92.3 News FM ngayong hapon, June 7, ikinuwento lahat ni Kris ang mga bagay na nagbigay-daan kung bakit nais na nilang tuluyang tuldukan ang ugnayan nila ni James.


Ang pagkikitang ito nina Kris at Cristy ay nagsilbi ring reunion para sa kanila, dahil ilang taon din silang nagkasama sa programang The Buzz ng ABS-CBN noon. 


Sa panayam, binigyang-linaw ni Kris ang ilang mga katanungan kung bakit muling nagkalamat ang relasyon nila ni James matapos na magkasundo sa custody kay Bimby, at kung bakit tuluyan nang ayaw makipag-ugnayan ng kanyang bunso sa ama nito.

Matatandaang ikinagalit nang husto ni Kris ang panayam kay James noong August 2017, kung saan sinabi nitong nangulila ito sa anak na si Bimby dahil ramdam daw nitong mahirap isiksik ang sarili sa anak.

Ikinagalit din daw ni Kris ang ginawang pagbati ni James sa anak na idinaan sa social media noong nakaraang birthday nito.

Ang term pa nga na ginamit ni Kris dito ay “nagwala siya” noong nabasa niya ang interview at ang post ni James. 

Pahayag ng 47-year-old TV host/actress/celebrity influencer, “When you make zero effort to personally have a relationship with your child, you have no right to post about that child.

“And zero naman talaga, e. Hindi ko pinagkait, e. And alam mo, ayoko nang pahabain dahil... no, actually gusto ko.”

“SINIGAW-SIGAWAN.” Kasunod nito, naging sobrang seryoso si Kris sa pagbahagi ng kuwento kung saan sinigawan daw ni James ang anak nilang si Bimby.

Nangyari raw ito noong pagkapanalo ni Bimby bilang Most Popular Child Performer sa 46th Guillermo Mendoza Box-Office noong June 2015 para sa pelikulang Praybeyt Benjamin, na pinagbibidahan ni Vice Ganda. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Sinigaw-sigawan mo ang anak ko, may witnesses ako, because ganito yung kuwento po… para at least po maintindihan ng lahat.

“Ito yung nagpa-block screening siya [ng pelikula] and nanalo si Bimb sa Guillermo and then I wrote the speech na paano magti-thank you at in-include ko yung tatay niya.

“Then sinabi ko na, ‘Gawa tayo ng ano para walang masabi sa atin.’

“Minsan ganun, e, di ba? Para walang masabi sa ’yo.

“And then nung nag-uusap sila at magti-thank you sa kanya, naka-speaker phone.

“So, narining ni Gerbel [Luntayao-Langha] and narinig ni Alvin [Gagui] kaya nagtatakbo sila."

Si Gerbel ay dating yaya ng magkapatid na Bimby at Joshua, habang si Alvin naman ay ang right-hand man ni Kris.

Patuloy ni Kris, “Nagsu-shoot ako nung time na yun. Alalang-alala ko dun sa BF [Homes, Parañaque] dun sa hamburger place ni JC de Vera.

“So, ang sinagot lang naman nung bata and take note at this point, seven si Bimb, right? Praybeyt Benjamin to, e.

“Okay, so seven years old. Ang sinagot nung bata, ‘You shouldn't be thanking me, you should thank mama because she was the one who told me to say thank you to you.’

“And then sinabihan siya na wala siyang karespe-respeto.

"Dahil nga bakit daw sinabihan siya at tinuruan siya na magpasalamat sa akin.

“E, sumagot yung bata, ‘Because if I have my way, I wouldn’t say thank you to you because you cheated on my mom.’

“Diretso. E, seven years old, Nay," kuwento pa ni Kris kay Cristy, gamit ang nakasanayang tawag sa beteranang showbiz columnist at radio commentator.

“So lumagpas yun kasi, in all fairness kay Mic [Michela Cazzola, James’s partner], she reached out.

“And she was good to the kids. Okay, so ako, I felt, ‘Why not,’ yung ano [maging civil].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“INUNA NIYANG PUMORMA.” Pagpapatuloy ni Kris, hindi raw talaga maipilit kay Bimby na patawarin ang ama.

Kuwento pa ni Kris, “Sabi ko, ‘Walang mawawala kung...’ pero hindi mo maipipilit talaga, e.

“Kasi ito yung problema. May YouTube. May YouTube na mapapanood mo na yung lalaki, yung tatay mo sinisiraan ang nanay mo.

“And I think alam mo 'to dahil may anak kang mga lalaki [Nay Cristy]… gagawin ang lahat para depensahan ang nanay.

“E, unfortunately, yung bata, hawak parati ang iPad, so lahat ng mga interview nung tatay, napanood at lahat ng mga nangyari sa nakaraan pati yung mga masasakit na nasabi nung nanay, nung tatay, nung lola niya.

“So, alam mo, Nay, as far the child is concerned, ayaw na niya. And yung isa naman, hindi rin naman talaga nag-try. Nag-try lang, ang last na ano was New Year papasok ang 2017.”

Naikuwento na rin ito ni James dati na dapat noong papasok ang New Year ng 2017, magba-bonding dapat silang mag-ama ngunit nagkasakit at nag-40 daw ang temperature ni Bimby. 

Naisugod daw ito sa St. Luke's Medical Center ngunit dito raw nagkaroon muli ng problema.

Pagbuko pa ni Kris, “I’m sorry, ha. I'm sorry kung sasabihin niyong mababaw 'to, pero inuna niyang pumorma.

“Sinugod nung mga guards at driver at yaya si Bimb 'tapos siya nagbihis pa bago dalhin sa ER.

“Nag-40 ang lagnat nung bata dahil naggaga-gastro-enteritis at alam mong puwede mag-dehydrate.”

Noong mga panahong yun ay may sakit din daw si Kris at halos pakiramdam niya ay puputok na ang kanyang ulo dahil sa matinding migraine.

Lahad muli ni Kris, “So, after that incident, sinabi ni Bimb—nagsumbong sa akin—na hinayaan daw na mauna na lang siya at hindi sinamahan.

“Sabi ko, ‘That’s it.’

“Okay, and I said, I tried. I don’t think you can criticize me for not trying.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“MAGIGING BAKLA.” Kasunod nito, ikinuwento rin ni Kris na hindi niya talaga mapipilit ang anak sa mga gagawing desisyon nito dahil may sarili na itong pag-iisip.

Ayon pa sa kanya, “You know, he is so outspoken, that’s why ang dami ko in-edit, Nay. Kung alam niyo lang po kung ano in-edit ng KCAP [Kris Cojuangco Aquino Productions] sa mga lumalabas sa bibig niya dahil sa mga vlog namin.

“And I’m sorry, I’m sorry, the child was the one who spoke, I was shocked.”

Dito, ibinulgar na ni Kris ang labis niyang pagkadismaya sa dating mister dahil sinabihan daw nito si Bimby na magiging bakla.

Saad niya, “Tutal it’s LGBT [lesbian, gay, bisexual, and transgender] pride month, inakusahan niyang magiging bakla ang anak ko sa korte dahil puro bakla daw ang nakapaligid sa akin.

“Noon yun nung about custody [hearing] yun.

“So, tumatak yun kasi six years old na yung bata nung panahon na yun at sinabi niya na, ‘Why is he judging me and what does he have against gay people?’

“So, very clear ang message. So, dun ako nagwawala, as any mother, magwawala.

“And unfortunately… and I’m not allowed to talk more about it kasi settled na yan at tapos na. Pero ito na lang ang last na sasabihin ko, parenting is also sharing.

“You don’t have to give us—or not us—you don’t have to give Bimb a big amount. But sa laki ng nakuha mo, socks ang niregalo mo sa bata?

“So, pasensiya na, ha. Sorry, lahat na ng baho ilabas natin ngayon.

“Kasi until now, yung mga naka-witness nun, natatawa pa rin.

“'Tapos nung birthday… the last gift though was a Louis Vuitton backpack… 2016.

“April 2016 na birthday. Because, di ba, nangampanya siya for Mar [Roxas]? E, bayad siya dun, e. So I guess at least, pinambili, thank you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, there. That was the last. And under the compromise agreement, kung gusto kong gumawa ng gulo… nakalagay dun kasi na 50-50 dapat sa education, e…”

Kaso, hindi naman nagbibigay.

Ang rason pa raw sabi ni Kris, “Kasi daw hindi ko kinunsulta kung saan mag-aaral.

“Okay. Deadma na. As I said—and I would repeat this—God has blessed us tremendously.

“And the kid, the boy, si Bimb, is turning out into a good kid…

“And ito yung kanya, he knows the importance of fidelity.

“I think yun ang takeaway dito. Kasi nakita niya kung anong pinagdaanan ng nanay niya nung pinagbubuntis siya.

“And ito ngayon, ah. And I can say this now with no kaplastikan because kilala niyo ako, I wish them well, I wish them happiness, because I don’t want them to bother us.

“Yun, ganun lang. Just do not bother my son, do not mention my son, peaceful tayong lahat.”

May parinig din si Kris na PHP40 million daw ang nakuha ni James sa kanilang hiwalayan.

Nagpadala na ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay James para sa kanyang panig sa mga bagong pahayag na ito ni Kris.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN