Jake Ejercito calls Mocha Uson "garbage"

IMAGE Image from www.unoemilio.com / Cyrus Panganiban for YES!

Unti-unti nang nananahimik ang kampo nina Kris Aquino at Mocha Uson matapos tuldukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin. Ngunit may pahabol na batikos si Jake Ejercito kay Mocha na ipinost niya sa kanyang Twitter account kahapon, June 7. 


Ilang personalidad ang naghayag ng kani-kanilang opinyon tungkol sa patutsadahan nina Kris Aquino at Mocha Uson.

Kabilang na rito si Jake Ejercito, anak ng dating Pangulo at ngayo'y Manila Mayor na si Joseph “Erap” Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Sa kanyang Twitter feed kahapon, June 7, binatikos ni Jake ang sexy dancer-turned-public official at sinabing, “Mocha Uson is garbage.”

Wala ng ibang paliwanag pa si Jake tungkol sa kanyang post.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino reaps support in word war vs. Mocha Uson
Kris Aquino reaps support in word war vs. Mocha Uson

Nag-ugat ang sagutan nina Mocha at Kris sa social media nang mag-post ang una ng video kung saan pinagkumpara nito ang paghalik ni Presidente Rodrigo Duterte sa isang overseas Filipino worker sa South Korea at ang paghalik ng dalawang babae sa ama ng huli na si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa loob ng eroplano ilang minuto bago ito paslangin noong August 21, 1983.

Inalmahan ito ni Kris dahil katuwiran niya, niyurakan ni Mocha ang alaala ng kanyang mga magulang.


Stories We Are Tracking

Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan
Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan
Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson
Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson

Nakarating ang alitan sa atensiyon ng pangulo dahil nag-text si Kris kay Bong Go, na special assistant to the President (SAP) at pinuno ng Presidential Management Staff (PMS).

Kaagad na humingi ng dispensa ang pangulo sa pamamagitan ni Bong at sinabi nitong magsu-sorry kay Kris si Mocha.

Ngunit nagmatigas si Mocha at hindi ito nag-sorry.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino says Bong Go apologized for Mocha Uson incident
Kris Aquino says Bong Go apologized for Mocha Uson incident
Mocha to Kris:
Mocha to Kris: "I decline to apologize for the truth"

DUTERTE CANNOT COMPEL MOCHA. Samantala, nagkaroon naman ng pagkakataong tanungin ng media si Pangulong Duterte sa ginanap na inauguration ng resort-themed Mactan Cebu International Airport (MCIA) Terminal 2 kahapon, June 7. 

Dito, inamin ni President Duterte na iniutos niya kay Bong ang paghingi ng paumanhin kay Kris.

Pero sinabi rin niyang hindi niya sinabihan si Mocha na mag-sorry kay Kris dahil sa kanyang right to free expression.

Sabi pa ng Pangulo, “As I respect the opposition, I must also respect the people in my camp.

“She has invoked the right of free expression.

"Once ka mag-invoke ka ng ganun, wala ako magawa kasi ako mismo sinasabi ko it's your right to criticize me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito, tinapos na rin ni Kris ang sagutan nila ni Mocha dahil okay na raw sila ng Pangulo ngayon, at wala rin daw siyang magagawa kung ang gustong gawin ni Mocha sa social media ay saktan siya at ang pamilya.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino retracts face-off with Mocha Uson
Kris Aquino retracts face-off with Mocha Uson


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN