Jeron Teng recovering from stab wounds

IMAGE Facebook / Twitter

PBA player Jeron Teng takes to Twitter to say that he is now doing well and recuperating after a stabbing incident last weekend. However, the cager added that he is still uncertain as to when he will return to the court. 


Nagbigay ng update tungkol sa kanyang kalagayan ang basketball player na si Jeron Teng, ilang araw matapos siyang masaksak at dalawa pang kasamahan, sa isang engkwentro sa isang parking lot sa Taguig City noong Linggo.

Nagpasalamat si Jeron, miyembro ng Alaska Aces ng Philippine Basketball Association (PBA) sa mga tagasuporta via Twitter, Biyernes ng hapon, June 8.

Hindi simpleng mga sugat ang tinamo ng basketball player sa insidente, kundi malalalim na saksak na posibleng tumapos sa kanyang buhay.

“First of all, I would like to thank my family, friends and supporters for all the prayers.

"Last June 3, I suffered from multiple stabs wounds and deep lacerations which could have been fatal,” unang tweet ng cager.

Dagdag niya, nagpapagaling na siya sa bahay pero hindi pa niya tiyak kung kailan siya babalik sa paglalaro.

Ang pinagtutuunan daw niya ng pansin ay ang pagpapagaling.

“As of present I am now recovering at home and being closely monitored by my family and doctors.

“The time that I’m going to be back inside the court is still uncertain.

“For now, I am focusing on my recovery with the help of my family and friends.

“Thank you Lord.”

Kalakip din ng tweets ni Jeron ay ang larawan niya habang nasa ospital at nakaupo sa hospital bed na may mantsa pa ng dugo.

THE INCIDENT. Noong linggo ng madaling araw, June 3, may mga nakasagupang grupo ng mga kalalakihan si Jeron, na noon ay kasama ang kanyang grupo.

Bukod kay Jeron, sugatan din ang dalawa niyang kasama, sina Norbert Torres ng koponang Rain or Shine at ang dating Green Archers player na si Thomas Torres.

Nangyari umano ang insidente sa isang parking lot ng Early Night Bar sa Bonifacio Global City, Taguig.

Kaagad na isinugod sa ospital sina Jeron at naaresto naman ang tatlong suspek na nakasagupa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Jeron Teng sustained deep cut wound, says brother Jeric
Jeron Teng sustained deep cut wound, says brother Jeric


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN