It's Showtime issues public apology for "insensitive" orphan joke

IMAGE Screencap from It's Showtime

An excerpt from It's Showtime's public apology for "insensitive" orphan joke of GirlTrends member Erin Ocampo: "Ang buong programa po ay humingi ng paumanhin at hindi po namin intensiyon na mawalan ng respeto at gawing katawa-tawa ang marami pong tao."


Pormal na humingi ng dispensa ang lahat ng bumubuo ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime kaugnay ng kanilang "PUROKatatawanan" segment kahapon, June 7.

Ito ay sa kadahilanang umani ng pambabatikos mula sa netizens ang ibinatong "insensitive and ignorant joke" ng GirlTrends member na si Erin Ocampo tungkol sa mga batang inabandona ng kanilang mga magulang.

Base sa replay ng episode kahapon, hinamon ni Erin ang Hashtags member na si Jimboy Martin para sa kanilang impromptu joke time.

Hirit ni Erin, "Jimboy, paano gumawa ng panget na anak?"

Ilang sandaling nagharutan ang kani-kanilang mga kagrupo bago nakasagot si Jimboy.

Balik-tanong ni Jimboy, "Paano gumawa ng panget na anak? Ba't di mo itanong sa nanay mo?"

Sabi ni Erin, "Ano'ng sagot mo? Tanong ko sa nanay ko? Mali! Tanong mo sa totoo mong magulang kasi ampon ka!"

BAD JOKE. Isa sa naghayag ng disgusto sa hindi magandang biro ni GirlTrend Erin ay ang NORFIL Foundation, Inc., isang non-profit at non-government organization at rehabilitation center para sa disabled, neglected, and abandoned children. 

Nitong umaga ng Biyernes, June 8, inilathala ng Norfil Foundation ang kanilang pahayag sa isyu:

"We at NORFIL Foundation Inc., would like to express our grave alarm and dismay to Showtime's episode that was aired yesterday, June 7, 2018 (Thursday)...

"This kind of insensitive and ignorant joke should not be tolerated and taken lightly.

"We hope that the media, as a powerful influence should convey proper information about legal adoption.

"As an adoption agency, we are calling for support and proper corrective action regarding this issue especially from MTRCB and Department of Social Welfare and Development.

"All children are beautiful and unique."

Inalmahan din ng isang netizen na nagpakilalang magulang ng isang adopted child ang biro ni GirlTrend Erin.

Sabi ng Facebook user na si Joel, "Maganda ka at maganda din Ang anak ko at 'adopted' siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung joke mo tungkol sa Kung paano gumawa ng pangit na anak ay kailangan mag Ampon ka ay biro na hindi nakakatawa.

"Sa mga writer ng Showtime, mahusay naman kayo magsulat pero sa joke na yun palyado, waley, di nakakatawa, di nakakatuwa.

"Gumawa kayo ng biro para nakasakit ng iba ganyan ba ang kalidad ng joke na Kaya ninyong isulat? You are all better than that."

Narito ang isa pang reaksiyon ng netizen na si Keight Casteleigne na nagpakilalang adopted child:

"Ang segment ng programa kahapon na PUROKATATAWANAN ay napanood ko at sobrang nadismaya ako sa bastos at hindi nakakatawang joke nitong si Erin.

"Hindi nag-isip, hindi naging sensitibo. Sa isang iglap gumawa ng isang bagay na ikakasira niya."

PUBLIC APOLOGY. Rumesponde ang pamunuan ng It's Showtime sa pamamagitan ng isang official statement na binasa ng isa sa mga host nito, si Amy Perez, sa programa kanina, June 8.

Sabi ni Amy: "Kahapon po, sa aming pananghalian, yung 'Puro Katatawanan' ay nagbitaw po ang aming kasamang si Erin Ocampo ng hindi magandang biro tungkol po sa mga ampon, na nakasakit po sa damdamin ng publiko.

"Ang buong programa po ay humingi ng paumanhin at hindi po namin intensiyon na mawalan ng respeto at gawing katawa-tawa ang marami pong tao."

Nang ihayag ito ni Amy sa live telecast ng noontime show kaninang tanghali, kasama niyang nakahilera sa stage ang iba pang co-hosts kabilang sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, at Jhong Hilario.

Dugtong ni Amy, "Magtiwala po kayo na mas lalo po kaming magiging maingat, responsable, at sensitibo sa amin pong mga salita para sa kasiyahan po ng lahat.

"Muli ang amin pong paumanhin sa lahat at mahal po namin kayo madlang people. Maraming salamat po."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN