Gretchen Barretto issues public apology to letter sender for "immature behavior"

IMAGE @gretchenbarretto on Instagram

Gretchen Barretto issued a public apology via Instagram Live on June 9, Saturday, to Jo-Ann Mula for their "immature behavior" while reading her request letter during a previous sessions last Wednesday, June 6.


Sa unang pagkakataon, naglabas na ng pahayag si Gretchen Barretto matapos umani ito at ang kanyang mga kaibigan ng batikos dahil sa Instagram video na naging viral sa Facebook.

Sa nasabing video, mapapanood si Gretchen at iba pa nitong kaibigan na natatatawa sa isang letter na ipinadala ng kanilang Instagram follower na humihingi ng tulong para sa kanyang mother-in-law.

Ang video ay kuha mula sa Instagram Live ni Gretchen nitong Miyerkules, June 6.

Kagabi, June 9, nag-issue ng public apology si Gretchen sa panibagong Instagram Live session kasama ang mga kaibigan nito na sina Mimi Que at Patty Pineda matapos ang kanilang dinner sa Resorts World Manila sa Pasay City.

Sa unang bahagi ng kanyang pahayag, inako ni Gretchen at ng kanyang mga kaibigan ang kanilang pagkakamali.

Ani Gretchen, "Not everybody was pleased, not everybody understood what we were laughing about.

"And kung meron po kaming kasalanan dun, kung meron po akong kasalanan dun, tawa po ako nang tawa imbis na basahin ko po nang diretso ang letter."

Patuloy pa ng aktres, "We all take responsibility for what we did."

"Yung gabing yun po—I’m not trying to make light of the situation—kung ano pong pagkakamali namin, andito po."

Pahayag naman ni Mimi, "We’re not buying our way out of the situation. We are owning up to our mistakes. We apologize."


Stories We Are Tracking

Gretchen draws flak for laughing at a letter sent thru IG
Gretchen draws flak for laughing at a letter sent thru IG
Gretchen Barretto spends Easter granting wishes of 11 fans
Gretchen Barretto spends Easter granting wishes of 11 fans
Gretchen posts a touching birthday message for Dominique
Gretchen posts a touching birthday message for Dominique

APOLOGY. Sa 30-minute video, sinabi ni Gretchen na agad silang humingi ng tawad sa letter sender na pinagangalan nitong si Jo-Ann Mula nang gabi ring iyon.

"I apologized, we apologized, right after po we were all laughing that night," kuwento ni Gretchen.

"This is between Patty Pineda, Mimi Que, myself, and jmula because si jmula po ang nagpadala ng request or ng mga kanyang wishes.

"It was very rude, I admit. It was very inappropriate, unlady-like for us to behave that way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sorry po at minsan nakakalimutan ko po na 48 years old na ako and I should be behaving my age.

"But talagang sadyang immature pa rin po ako and I am very sorry.

"I’d like to make a public apology, although Jo-Ann Mula already accepted our apology that very night."

Nagpasalamat din si Gretchen dahil taos-puso namang tinanggap ni Jo-Ann ang kanilang paumanhin.

Saad nito, "I thank you for your golden heart, for your forgiveness, and for your understanding, for your acknowledgment, kung ano man yan.

"And you know, Dominique actually told me, ‘Mom, you gotta grow up, you know.' Yes, and I’m trying my best to grow up. Masyado lang po akong happy-go-lucky."

Patuloy ni Gretchen, "Whether in-accept niya or not ang aming apology, I feel… I believe, we or I owe her an apology for laughing, for not understanding… for being immature, if you call it immature.

"I was immature, I am immature, and I am a work in progress. I admit that. We all are."

Nakahinga rin sila nang maluwag matapos patawarin ni Jo-Ann sa kanilang naging asal.

"That’s all that really matters to us right now na you have a forgiving heart, you have forgiven us.

"Again, I apologize for what we have done kung ano po ang damage na nagawa, I really apologize and then let’s move on."

Ipinaliwanag din ni Gretchen sa isang bahagi ng kanilang live session kung bakit muli nitong pinost sa kanyang Instagram ang nasabing bahagi ng kanilang June 6 Instagram Live session.

"Kasi po, di ba, live ang video? So I felt sabi ko kay Patty Pineda that night, ‘Patty, pakiputol mo yung video, ipalabas mo yung kalahati then the other half the next day.’

"Para kasi ma-explain kung bakit kami tumatawa… kasama yung letter ni Jo-Ann Mula. Yung una, yung video ‘tapos yung letter para maintindihan niyo kung bakit kami tumatawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw pa nito, hindi nila tinawanan ang mga may sakit na nabanggit ni Jo-Ann sa kanyang liham gaya ng ipinunto ng ilang Facebook user matapos mag-viral ang kanilang video.

Ang Facebook user na si Harvey Balicog ang nag-post ng kanilang video na umani ng negatibong komento mula sa mga netizens.

Sabi ni Gretchen, "Hindi naming pinagtawanan yung may sakit. Bakit naman namin pagtatawanan yung may sakit?

"But a certain someone uploaded it on Facebook. I’m not here to blame the person… So ayun ang nangyari, in-upload niya and then ang daming nag-share and then ang daming nag-bash.

"But you know, it really is so embarrassing for us Filipinos na dapat nagtutulungan at nagkakaintindihan, and we still have this mentality to bring down people."

Wala na ang nasabing post maging ang Facebook account na nag-upload nito, ngunit dahil viral, maraming netizens ang nag-reupload ng Instagram Live session ni Gretchen, kagaya ng video na ito:

STAYING SILENT. Mahigit dalawang araw ring nanahimik si Gretchen at ang kanyang mga kaibigan. Ayon kay Gretchen, ninais nilang huwag na munang magbigay ng pahayag upang hindi na lumaki ang issue lalo't napatawad na sila ni Jo-Ann.

"Tumahimik po ako nang two days because sabi ko, ‘Why answer that? Alam ko naman si Jo-Ann have her go signal, accepted our apology already so why even apologize to the public?’ That’s what I felt."

Ipinaliwanag rin ni Gretchen kung bakit hindi muna ito nag-issue ng statement. Naunang sinubukang kontakin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gretchen para sa kanyang pahayag ukol sa isyu sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram.

"Thank you to PEP, because I did not get in touch with PEP but you know, Don Mario [Que] told me…

"You know, I have a way of protecting myself and I hope you understand. Instead of reading PEP, because nag-direct message din ang mga taga-PEP sa akin to air my side and I just ignored it and I apologize for ignoring it kasi ayoko talaga palakihin ang issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But Don Mario told me that PEP was very balanced so I thank you. GMA-7 was also very balanced. They only aired the truth and I’m grateful. Inquirer also aired their side and I am grateful."

Nagpasalamat din Gretchen sa suportang natanggap nito mula sa kanilang Instagram followers sa kalagitnaan ng issue. Maging sa kanilang bashers ay nagpasalamat si Gretchen dahil marami raw silang natutunan.

Aniya, "A lot of our followers sent their love and support and I am grateful."

"And to all those who bashed me, I am also grateful. Believe it or not, we learned a lot in the past few days. I know that I have a lot of growing up to do.

"I know that I have been a little… not a little, but very careless, very reckless with my ways. Like I said, I am flawed and I am willing to learn. I am willing to get hurt.

"I am glad that we are going through this trial, this hurdle because it is only through this kind of situation we grow. And so we’re learning to grow and tears won’t hurt. It won’t kill us."

Kung may ikinalulungkot man si Gretchen, ito ay para sa kanyang mga kaibigan na hindi sanay makatanggap ng pamba-bash online.

Pahayag ni Gretchen, "Mimi Que was so kind to offer help. Sabi niya, ‘Gretchen, I want to join you and I want to help.’ And so she helped. So if my heart is bleeding, it’s really for Mimi Que, it’s really for Patty Pineda, na hindi talaga sila sanay sa mga batikos na ganito."

EASTER SUNDAY PROJECT. Sa pagpapatuloy ng Instagam Live session nina Gretchen, ibinahagi rin nito kung paano nga ba nagsimula ang kanilang Instagram charity project.

Kuwento nito, "Before April 1st, before Easter Sunday, the Sunday before Easter Sunday, nag-live po ako sa aking pavilion sa bahay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At that time, merong mga…. Habang nagla-live ako, merong mga nag-request ng, ‘Gretchen, bigyan mo naman ako ng Hermes bag.’

"At that time it was [Patty] pa and me. Mimi, you were still abroad. Lorna you were also somewhere.

"'Tapos may nagsabi pa, ‘Gretchen, pahingi kahit isang pirasong South Sea pearls.’ I found it very cute but of course, you know, that’s not doable.

"So that night, the week before Easter sabi ko, ‘Grabe naman…’ Siyempre ‘di ba, ang mga binibigay sa akin ni Dada [Tonyboy] na Hermes, yung mga alahas, ipamimigay ko ba yung mga binigay sa akin? Hindi.

"So sabi ko, next Sunday, since it’s Easter Sunday, I will give in to requests and so I did."

Hindi rin makatanggi si Gretchen sa hiling ng kanyang mga Instagram followers matapos mabasa ang kanilang mga istorya.

"Binuksan ko yung comments section ko sa Instagram and a lot of people requested and legitimate yung mga hinihingi nila, para sa sakit, medisina, wheel chair, gatas. Who am I to say no?

"So Easter Sunday, nag-grant po tayo but after Easter Sunday, we went on and on and on, granting wishes.

"And it’s so difficult to somehow just put a halt to it because more people needed help and we needed to grant wishes. Alam mo, may kasabihan po, pay it forward."

Isa rin daw ito sa kanilang paraan upang mamulat tungkol sa pamumuhay ng nakararami.

"To be honest with you, everybody, this is my way, and Mimi Que’s way, our way to get in touch with the real world. Ano ba talaga po ang nagyayari?

"Kasi meron din kaming sariling mundo, marami rin kaming ginagawa. Nanay rin po ako, 'kabit' nga rin po ako, ‘di ba? Gaya ng sabi ng karamihan.

"How will I get in touch with all of you if not through Instagram? Hindi po ako Wonder Woman. How do I get in touch with everybody who needs help—you know, what I mean—if I don’t it through Instagram?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INSTAGRAM CHARITY. Sa ngayon, pag-iisipang mabuti ni Gretchen at ng kaniyang grupo kung paano nila maitutuloy ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Aniya, "We will do a lot of thinking because like I said, totoo naman po yung sinasabi nila, kung tutulong kayo, bakit niyo ipo-post.

"Ito po, talaga namang wala kaming tamang magawa… Noong araw po ang mga pino-post ko mga twirl twirl, mga damit, mga OOTD, outfit of the freakin’ day, food.

"May mga magtatanong, 'Greta, wala ka ba mai-post there?’ ‘Wala ka bang ibang mai-post?’ ‘Napakababaw mo, puro pagkain, puro alahas, puro pagyayabang.’

"'Tapos sinasabi ko, I have my own charity work. I will not announce it kasi nga sabi nila, once you announce it, 'Blah-blah-blah…'"

Pangako naman ni Gretchen na hindi ito titigil sa pagbabahagi ng kanyang tulong.

"Honestly po, I’m not one to back down. I’m not going to quit. That is just so not me. I know that a lot of people want me to quit helping and all that.

"Kung ako ang tatanungin niyo, I will not quit kahit sinasabi ng lahat ng nasa paligid ko to quit. Patty Pineda and si Lorna Vingson, they’re the ones doing the arranging of everything.

"I don’t know if they will help me with the arranging ‘cause that’s really not my forte. Ang alam ko lang po, mag-grant. Hindi po ako marunong gumawa ng mga logistics, how to let the… I don’t know how—sorry—inaamin ko po na hindi naman ako ganyan kagaling.

Patuloy pa nito, "Ang mga wishers po namin galing po sa aking Instagram account. Pa’no po niyo malalaman na naga-grant kayo kung hindi ko ipo-post?

"Now if you can solve that problem for me, we can do it privately. I don’t have to announce it because totoo naman, kung tutulong ka, itulong mo, ‘wag mo i-announce."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, muling humingi ng tawad si Gretchen kay Jo-Ann ang nagsabi sa mga natulungan na nito dati na huwag mahihiyang lumapit sa kanila kung sakaling may kailanganin ulit.

Paumanhin ni Gretchen, "I’m very very sorry. I’m grateful that you accepted my apology and if you want me to fly to Surigao wherever you are… I am willing to do that.

"And feel free to just get in touch with us through DM and we’re willing o help you more and more. And to all those we have helped in the past and who agve support, we love you. Do not hesitate to text ask for anything else."

At katulad nang nakagawian na sa Internet, may ilang nakapag-download ng Instagram Live ni Gretchen at nire-upload ito upang muling mapanood. Heto ang isa sa mga re-upload ng public apology ni Gretchen.


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN