Gretchen Barretto on 24-year relationship with Tonyboy Cojuangco: "I am happily his mistress."

IMAGE @juansarte and @gretchenbarretto on Instagram

Gretchen Barretto: "After 23 lovely years with my Tonyboy, you can call me kabit and I will tell you I am happily his kabit. I am happily his mistress."


Isa-isa ring sinagot ni Gretchen Barretto ang mga pambabatikos na ibinato sa kanya ng ilang netizens sa kanyang Instagram Live session nitong Sabado, June 9, matapos humingi ng tawad mula sa letter sender na si Jo-Ann Mula.

Ito ay dahil hindi napigilan nina Gretchen at ng kanyang mga kaibigan na sina Mimi Que at Patty Pineda na matawa habang binabasa ang request letter ni Jo-Ann para sa kanyang mother-in-law sa Instagram Live session ng aktres nung Miyerkules, June 6.

Kagabi, sinabihan ni Mimi si Gretchen na huwag nang patulan ang bashers, ngunit hindi ito umurong sa mga nambabatikos.

Panimula ni Gretchen, "Hindi ako namamatol, I’m just being true to myself, Mimi. Kasi hindi naman sa lahat ng oras, puwede nila tayong batuhin nang batuhin.

"Ako naman, I’m being true. Hindi naman porke't nagkamali… I never came up to anybody and said I am nameless, I am pure, I am holy, I am this or that.

"I never pretended to be anything good. Habang buhay ko po sa showbiz, kung ano po nakita niyo akin, kung ano po ako, ako yun. I never said, 'Ako 'to, mabait ako, mayaman…' Hindi, I never claimed anything."

Sa isang bahagi ng kanilang Instagram Live session, nilinaw ni Gretchen na galing sa kanilang bulsa ang mga ipinamamahagi nila sa mga humihingi ng tulong.

Ani Gretchen, "I disabled my comments section and I put off the private thingy—disabled it, as well on my Instagram—just because I did not want to indulge you, because I feel like I’m not guilty po.

"Kung ako po, ginagamit ko ang pondo ng gobyerno, kaban ng bayan… hate me, mock me all you want. But people of the Philippines, pera po namin ito. Hindi ko po ninakaw ito kahit kanino.

"We are just willing to give it because we call it… [it’s our way] to pay back, of giving back. Totoo po, nakaka-guilty na we’re blessed tremendously and why not give back? That’s just my question."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Gretchen Barretto issues public apology to letter sender
Gretchen Barretto issues public apology to letter sender
Gretchen draws flak for laughing at a letter sent thru IG
Gretchen draws flak for laughing at a letter sent thru IG
Gretchen posts a touching birthday message for Dominique
Gretchen posts a touching birthday message for Dominique

"MATAPOBRE." Hindi rin napigilan ni Gretchen ang sarili nang may Instagram follower ito na nagsabing "anak mayaman" siya habang humihingi sila ng apology kay Jo-Ann.

Sabi ni Gretchen, "I’m sorry po, hindi po ako anak mayaman. Biglang-yaman."

Diin pa ni Gretchen, hinding-hindi siya magiging matapobre lalo't naranasan din niya ang payak na pamumuhay nung kanyang kabataan.

Paglilinaw pa ni Gretchen, "Yung tinawag niyo po ako na matapobre, you can not call me matapobre simply because nanggaling po ako sa buhay na pobre.

"Hindi ako nagda-drama pero the fact po na nagtrabaho ako at age 12 years old to earn a living, to pay rent. We never owned a house, we had to pay rent. We had to pay electricity.

"I had to help and that’s not a bad thing po. Hindi ko kinahihiya yun. So hindi po ako pwedeng maging matapobre kung dun din ako po nanggaling.

"So yun, sinasagot ko po yung sinasabi niyong matapobre. Imposible pong maging matapobre. Yun po ilalaban ko."

"MISTRESS." Ikinagulat din ng mga nakatutok sa kanyang Instagram Live session nang banggitin ni Gretchen na siya ay kabit ng longtime partner na si Tonyboy Cojuangco.

Nitong nakaraang February ipinagdiwang nina Gretchen at Tonyboy ang kanilang 24th anniversary. Ngunit matatandaan na si Tonyboy ay legally married pa rin sa kanyang unang asawa, ang dating equestrienne na si Denise Yabut-Cojuangco.

Saad ni Gretchen, handa siya sa lahat ng pambabatikos na ibabato sa kanya ng netizens.

Aniya, "Mga kaibigan, you can accuse me of many things, nasty things. Puwede niyo akong sabihing malandi, I will accept it. Sasabihin niyo akong baduy, bagong yaman, I will accept it.

"Marami po kasing nag-i-stop sa akin, sa kadaldalan ko, but I’m on a roll. I want to say this.

"Sasabihin nilang kabit, aaminin ko for the past 23 or almost 24 years, opo, kabit po ako ni Tonyboy Cojuangco. I never denied it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Gretchen na nasasaktan siya sa tuwing tinatawag siyang kabit ngunit natutunan rin niyang balewalain na lang ang bagay na ito sa tuwing ipupukol sa kanya.

"If you threw that at me five years ago, maglulupasay po ako. Halos magpakamatay po ako sa sakit sa aking dibdib pag tinatawag niyo akong kabit.

"But right now, after 23 lovely years with my Tonyboy, you can call me kabit and I will tell you, I am happily his kabit. I am happily his mistress."

Dagdag pa ni Gretchen , "I have a man who loves me unconditionally. Yes, it is true. Maybe I will never be married with him. Maybe he will never marry me. Maybe I will never have that dream to walk down the aisle and have that fabulous gown. But who cares?

"I have a very flawed life, a flawed relationship, but I’m happy. It’s not perfect. He understands me fully, he loves me fully, and in his eyes, I can do no wrong. So who am I to complain? Life isn’t perfect.

"Where we live right now, it’s not heaven, you know. And I’m not the only one who lives an imperfect life."

Sa may huling bahagi ng kanyang 30-minute Instagram Live session, natatawa na lang si Gretchen nang ibahagi niya ang usapan nila ni Tonyboy nang magsumbong siya rito.

Kuwento ni Gretchen, "Sabi ko, 'Dada, they said I’m a gold-digger, I’m your kabit.'

"Sabi niya, 'Baba, you did not dig gold. I handed it to you. Now, can I have it back?'"

Birong sagot naman daw niya, "I said, 'No way!' I said, 'Now, you have to dig it back!' Hindi, loko lang."

Heto ang reupload na video ng Instagram Live session nina Gretchen at mga kaibigan niya:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN