Coco Martin confirms MMFF 2018 movie with Vic Sotto

IMAGE Allan Sancon

Coco Martin is very excited to work with Vic Sotto in an MMFF 2019 movie, "Kasi ,matagal ko nang pangarap na magkatrabaho kami ni Bossing. Pinalad naman na pinagbigyan niya ako, sana magdire-diretso."


Ngayon pa lang ang usap-usapan na ang posibleng pagtatapat muli ang mga pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin sa Metro Manila Film Festival 2018.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay naging magkatunggali rin sa takilya ang pelikula ni Coco na Ang Panday at ang pelikula ni Vice na Gandarrapido: The Revenger Squad.

Agad namang nilinaw ni Coco na hindi dapat bigyan ng isyu ang muling pagtatapat nila ng kaibigan niyang si Vice.

“Actually, di namin iniintindi yun. Ang layunin namin kasi mapaligaya namin ang mga manonood.

“At saka siyempre, ako naman, sabi ko nga, di kami naglalaban-laban, nagtutulungan kami para bigyan ng buhay at maging mas masigla ang Metro Manila Film Fest kapag Pasko,” sabi ni Coco sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa katatapos lamang na 66th FAMAS Award noong Linggo, June 10.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Coco ang pagsasama nila ni Vic Sotto para sa pelikula sa MMFF 2018.

Ayon sa Ang Probinsyano actor, matagal na niya talagang gustong makasama ang komedyante sa isang proyekto lalo’t idolo niya talaga noon pa ang comedy trio na sina Vic, Tito Sotto, and Joey de Leon.

“Actually, nakapag-usap na kami,” sabi ni Coco.

“Excited? Sobra, kasi matagal ko nang pangarap na magkatrabaho kami ni Bossing.

“Pinalad naman na pinagbigyan niya ako, sana magdire-diretso.

“Ay naku, siyempre, Tito, Vic and Joey, lahat naman tayo talaga idolo sila lalong-lalo na pagdating sa komedya.

“Isang malaking karangalan na makatrabaho ko siyenpre si Bossing.”

VICE DESERVES DOLPHY AWARD. Samantala, pinuri ni Coco ang kaibigang si Vice dahil sa paggawad sa kanya ng kauna-unahang Dolphy Comedy King Award ng FAMAS.

Bagamat may ilang kumukuwestiyon sa pagkakapili sa kanyang kaibigan, naniniwala naman si Coco na deserve ni Vice ang naturang award.


Stories We Are Tracking

Vice Ganda says he harbors no ill will towards columnist
Vice Ganda says he harbors no ill will towards columnist
Epy Quizon puzzled by issue on Dolphy award given Vice Ganda
Epy Quizon puzzled by issue on Dolphy award given Vice Ganda

Aniya, “Deserving talaga si Vice. Unang-una, talagang pinaghirapan niya ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kitang-kita ko at kung may nakakaalam no'n kaming dalawa.

“Parehong wala pa kami dito sa showbiz, magkasama na kami at nasubaybayan namin ang bawat isa.

“Lahat ng pinaghirapan namin, lahat ng panlalait, di sa amin naniniwala and then, ngayon, heto na kahit papaano nabibigyan ng pansin, nare-recognize na.

“Napakasaya ko para sa aming dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN