Gretchen Barretto and friends decide to stop wish-granting activity on IG

IMAGE @juansarte and @gretchenbarretto on Instagram

In order to protect her non-showbiz friends from being bashed, Gretchen Barretto has decided to stop wish-granting activity on Instagram. But she has this challenge to her bashers: "I hope you can take on the challenge each time you bash me. Why don't you try and do what we are doing: grant chemotherapy, grant dialysis?"


Nagdesisyon si Gretchen Barretto at ang kanyang non-showbiz friends na itigil na ang wish-granting activity nila via social media.

Ito ay matapos maging viral at naging isyu ang video kung saan pinagtatawanan ng grupo ni Gretchen ang liham ng isang letter-sender noong nakaraang linggo.

“We are going to bid goodbye not because we are… not because we are gonna back down, but because marami po ang mga tao na nadadamay rito," simula ni Gretchen sa kanyang Instagram live session nitong Martes, June 12.

Ayaw raw ng 48-anyos na aktres na nadadamay ang kanyang mga kaibigang hindi naman taga-showbiz—sina Patty Pineda at Mimi Que.

Saad pa niya, “Kung ako lang po siguro… by now, alam niyo po na I am made of steel.

“I may cry once in a while, but a lot of times, I can be very, very strong also.

“Pinagtibay na talaga ako ng panahon.”

Nahihiya raw siya sa kanyang mga kaibigan at pamilya nilang nadamay dahil sa isyu.

Pakiramdam daw ni Gretchen ay responsibilidad niya ang mga kaibigang may pribadong buhay.

“I’d like to be fair kasi, kung ako lang po, pinagtibay na ako ng panahon.

“Sanay na po ako sa bashing.

"Galing po ako sa show business. I worked at age 12.

“A lot of bashing has been made already.”

Pagtatanggol pa niya sa mga kaibigan, “Binash tayong tatlo… they did not understand.

"Iba ang humor namin, pero tunay kaming kakaiba.

“Akala nila minock namin.”  

Maging ang letter-sender daw na ipinagtanggol ang aktres ay na-bash din sa pagpanig kina Gretchen.

Inalmahan din ni Gretchen ang akusasyong nagkukuripot siya sa kanyang pagtulong.

“Never po ako nagkukuripot sa pagtulong ng ibang tao.

“I am blessed tremendously, and I give back and I try to be fair as much as possible.

“Hindi ho kami hihinto sa pagtulong sa mga tao. Hindi nga lang sa IG followers,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Gretchen draws flak for laughing at a letter sent thru IG
Gretchen draws flak for laughing at a letter sent thru IG
Gretchen Barretto issues public apology to letter sender
Gretchen Barretto issues public apology to letter sender
Letter sender accepts Gretchen Barretto, friends' apology
Letter sender accepts Gretchen Barretto, friends' apology
Gretchen Barretto slams netizen calling her 'plastic'
Gretchen Barretto slams netizen calling her 'plastic'

CHALLENGE TO BASHERS. Nauunawaan din daw ni Gretchen ang punto ng iba kung bakit kailangan pa nilang ianunsiyo sa social media ang kanilang pagtulong.

“Tama kayo naman diyan. And we understand.

"And actually, that was also my take.

“Akala nila pasosyal tayo nang pasosyal, ‘Why announce to everybody?’"

Una nang ipinaliwanag ni Gretchen na ang kanilang mga tinutulungan ay mula mismo sa kanilang Instagram followers.

Patuloy niya, “So let’s do it the other way around.

“We will be quiet as possible.

“We are grateful that our IG followers also gave us the chance to be able to be a blessing to them, to be of help.”

Para naman sa kanilang bashers, ito ang mensahe ni Gretchen: “Sa inyong nagmamagaling na mga bashers, take on whatever we have started.

“I challenge you… everyone… each and everyone of you who are bashing me.

“I hope you can take on the challenge each time you bash me.

“Why don’t you try and do what we are doing: grant chemotherapy, grant dialysis?”

Sa huli ay pinasalamatan ni Gretchen ang netizens na nagpahayag ng suporta sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN