Kris Aquino not running in 2019 because of endorsement deals: "Magsosoli ka ng pera... I cannot afford it."

IMAGE Cyrus Panganiban

Kris Aquino explains she will have to pay huge fees if she runs for public office and violates terms of her endorsement contracts. She said, "I'm being honest with all of you, I can't afford it. I myself am telling you, I cannot afford it."


Hindi tatakbo si Kris Aquino sa 2019 Senate elections.

Ito ang mismong pahayag ng host/entrepreneur/digital influencer sa isang radio interview noong Hunyo 7.

Nag-guest si Kris sa programang Cristy Ferminute sa Radyo Singko 92.3 News FM sa gitna ng kanyang word war laban kay Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Nauna nang sinabi ni Kris sa kanyang June 6 Facebook at IG Live session na dahil sa alitan nila ni Mocha ay iniisip niya kung maaari niyang gamitin ang kanyang boses at impluwensiya sa ibang paraan, gaya ng pagtakbo sa public office.

Ngunit sa kanyang interview kinabukasan, nilinaw niya ang kanyang naging desisyon.

Ani Kris, "Tutuldukan ko na, kasi ito yung number one na ibinilin sa 'kin.

"Hindi po ako tatakbo sa 2019. I cannot.

"I'm not allowed because we computed. Times two pala ang isosoli ko, Nay, sa kontrata kung hindi ko tapusin."

Ang tinutukoy ni Kris na "Nay" ay ang radio host na si Cristy Fermin.

Ayon kay Kris, may malalabag siyang terms sa kanyang kontrata kung magdesisyon siyang sumabak sa politika.

Ang ilan sa kontrata niya sa malalaking kumpanya ay may partikular na clause na nagbabawal sa kanyang tumakbo sa isang posisyong pampubliko.

"Yes, several companies have that, the big ones. And those are the main contracts.

"Once you seek elective office, magsosoli ka ng pera. Not just pera but damages, ang laki."

Hindi raw makakayanan ni Kris ang laki ng halagang kailangan niyang isoli kapag nagkataon.

"Sorry po, I'm being honest with all of you, I can't afford it. I myself am telling you, I cannot afford it."

OTHER FACTORS. Dagdag pa ni Kris, ang isang rason kung bakit hindi pa niya kayang magsilbi bilang public servant ay dahil hindi pa niya maiwan ang kanyang marangyang pamumuhay.

Aniya, "Kasi din, hindi pa ako simple."

Tumawa ang mga kasama ni Kris sa loob ng radio station sa pag-amin niyang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong ni Kris, "Why are you laughing? I'm being, yung ano, Nay, naging serious ako dun, ah, parang di tuloy nila ako seseryosohin."

Nilinaw naman ni Kris na malaking bahagi rin ang kanyang business investments, bagay na kailangan niyang bitawan kung siya ay tatakbo bilang kandidato.

"Hindi, yung ano, e. Kailangan kong mag-divest ng negosyo din.

"E, palaki pa lang, 14 branches ngayon ang Potato Corner at Nacho Bimby, dalawa ang ChowKing.

"So, marami pa akong pinapasuwelduhan. Ang KCAP [Kris Cojuangco Aquino Productions], palaki nang palaki.

"So, once tumakbo ka, goodbye sa lahat ng yun."

Maging ang pamilya raw ni Kris ay pinayuhan siyang ipagpaliban ang balak na may kinalaman sa pagtakbo.

"Pati Ate ko, sinabihan ako, 'You are not ready,' pagtukoy sa panganay niyang kapatid na si Ballsy Aquino-Cruz.

"Sinabi niya na, "You can only be ready Krissy if you can be as simple as mom.'"

Ang kanyang ina na si yumaong dating Pangulong Corazon Aquino ay kilala sa pagiging simple nito, na malayung-malayo sa lifestyle ni Kris ngayon.

Pag-amin ni Kris, "Lord, lahat kayo umiiling na. Lord, kailan mangyayari yun?"

Dagdag niya, "At least, honest ako sa inyong lahat, di ba?"

Hindi tuluyang isinasara ni Kris ang kanyang pinto sa pagtakbo sa eleksyon.

At kung dumating man daw iyon, at least ay kilala na siya ng mga tao.

Sabi niya, "If ever the time does come, you will know what you're getting.

"At least ito, walang bahong itinago. Lahat, klaro.

"Makikita niyo, you know who I am, and you know what you will get."

JOBS & HEALTH CARE. Sa kabila ng kanyang pahayag, halatang pinag-isipan ding mabuti ni Kris ang kanyang mga kayang iambag sakaling maisip niyang sumabak sa politika.

Katunayan, mayroon na siyang plataporma.

Sa parteng ito ng kanyang radio interview, nagbago ang tono ng boses ni Kris, at animo'y nagtatalumpati siya sa isang campaign rally.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "But eto lang ang plataporma ko if ever. I have been honest in paying my taxes, so why will I ever steal from you?

"I have been creating jobs, so I will make sure to create more jobs.

"I am a mother, so I will take care of making sure that health care—universal health care, not just PhilHealth—but universal health care will be covered 100 percent most especially for senior citizens."

Inamin ni Kris na nagnilay-nilay talaga siya ukol dito.

"Kasi nag-isip ako, ano bang contribution ko?

"Sinasabi ko lang na if ever akong aano, ito yung tututukan ko.

"Kasi sabi ko, meron nakong napatunayan sa negosyo, e. Kasi alam ko yung balance sheets, e. At alam kong kumikita sila, e.

"May napatunayan ako tungkol sa moralidad, kasi nalinis ko yung buhay ko."

Iginiit muli ni Kris na hindi siya magnanakaw sa sambayanan.

"I won't [steal]. Why? Why will I destroy our name?"

Ngunit sa ngayon daw ay hindi pa kaya ni Kris na iwan ang kanyang trabaho.

"But that is the problem, hindi pa puwede."

Noong Martes, June 12, nag-post naman si Kris sa Instagram bilang sagot sa naging pahayag ng kanyang pinsan, si Senador Bam Aquino, na kung tatakbo si Kris ay tiyak na mananalo ito.

Sinimulan ni Kris ang kanyang caption sa pagbanggit ng mahabang listahan ng mga ineendorso niya, na siyang pangunahing dahilan kung bakit wala siya sa politika.

Patuloy ni Kris, "All of [these companies] I have commitments with that specifically state that I won't seek any elective post in 2019 and I will refrain from any divisive political statements except when defending honor & dignity of my family..."

May mensahe rin si Kris sa kanyang mga tagasuporta.

Sa dulo ng kanyang caption ay sinabi ni Kris, "To all those who continue to love & support me- please join me in being super grateful to these companies for truly believing in my trustworthiness and credibility.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Totoo naman po- MAY TAKOT AKO.

"Takot akong sirain ang aking palabra de honor (word of Honor) & gibain ang pakiramdam kong mga dapat kong ipagmalaki- marunong akong tumanaw ng utang na loob at may #LOYALTY ako sa mga nagbigay ng trabaho at tiwala sa akin [yellow heart and crown emojis]."

@bamaquino Thank you... But you do realize i’ll violate the contract i signed w/c your wife @timiaquino negotiated if i run for any elective post in 2019? @chowkingph renewed me until 2020... for my haters, please patronize #Ariel from P&G, @pldthome, @livesmart, @iflix.ph, Nutri-Asia products, Monde Nissin, @ultherapyph, @everbilenaofficial, #UniPak, @healthyfamilyph, an Indonesian conglomerate i cannot name, the biggest Korean home appliance & entertainment company, a Thailand beauty company w/c i also cannot name, a residential properties industry leader, @unilab, a World leader airline not based in the Philippines, and the world’s biggest food company- all of whom i have commitments with that specifically state that i won’t seek any elective post in 2019 & i will refrain from any divisive political statements except when defending honor & dignity of family... marami pang ibang contracts pero ma bo-bored na kayo reading the list & i’m afraid of violating non-disclosure agreements. To all those who continue to love & support me- please join me in being super grateful to these companies for truly believing in my trustworthiness & credibility. Totoo naman po- MAY TAKOT AKO. Takot akong sirain ang aking palabra de honor (Word of Honor) & gibain ang pakiramdam kong mga dapat kong ipagmalaki- marunong akong tumanaw ng utang na loob at may #LOYALTY ako sa mga nagbigay ng trabaho at tiwala sa kin. ????????????????

A post shared by KRIS (@krisaquino) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN