Vic Sotto finally joins Instagram

IMAGE Noel Orsal

Vic Sotto, 64, is now part of the social networking world after joining Instagram.


Finally, may social media account na si Vic Sotto matapos ang maraming taong pagtutol na huwag mag-register sa kahit na anong social media site para hindi mabulabog ang kanyang buhay.

Naka-post sa Instagram account ng misis ni Vic na si Pauleen Luna ang IG profile name ng 64-year-old comedian-TV host, @mzet280, sa Father’s Day message nito sa asawa.

Makikita sa IG wall ni Pauleen ang larawan ni Vic na karga-karga nito ang anak nilang si Talitha.

Nasa caption naman ang mensahe nito sa komedyante kung saan naroon ang IG username ng asawa.

Ani Pauleen: “Happy Father’s Day to my dearest husband, @mzet280.

"For all the great things you’ve done, being a father probably tops it all!!

"Thank you for the love you give all your children! We will forever be grateful. I love you.”


"Marvic" ang registered name na nakasulat sa IG account ni Vic. 


Mukhang bago lang ang account dahil dalawa pa lang ang followers niya, kabilang na si Pauleen. Samantalang 27 pa lang ang pina-follow niya.

Walang data information ang account ni Vic maliban sa kanyang pangalan at naka-private account status ito.

Mabibigo ang mga nagnanais na ma-view ang photo at videos sa account dahil wala pang ina-upload na kahit ano si Vic dito.

Sa kanilang tatlo nina Senator Tito Sotto at Joey de Leon, ang huli ang masipag gumamit ng kanyang Instagram account.

Laging may update si Joey ng mga lugar na pinupuntahan niya.

Kundi asawa, mga anak, at pamilya, mga kasamahan nito sa Eat Bulaga! ang laging bida sa posts ni Joey.

Mahilig ding mag-connect ng mga salita ang comedian-host sa mga pangalan ng lugar, restos, streets, at kung anu-ano na kinaaliwan ng netizens.

Tule na tule este, tuloy na tuloy ang opening ng kainang ito!

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN