Nadine Lustre has no problem with boyfriend James Reid being paired with another actress

IMAGE Noel Orsal

Iba ang magiging ka-partner ni Nadine Lustre sa bago nitong pelikulang Ulan. Nauna rito, inanunsiyo ring iba ang makakapareha ng nobyo niyang si James Reid sa pelikulang Pedro Penduko. Pero ayon sa aktres, hindi ito problema sa kanya.


Wala raw problema kay Nadine Lustre kung ipareha sa ibang aktres ang nobyong si James Reid sa bagong pelikula nitong Pedro Penduko.

Sa panayam ng TV Patrol ng ABS-CBN noong Biyernes, June 15, sinabi ni Nadine na may tiwala siya sa Viva Entertainment—ang nagha-handle ng kanilang mga career—kung ano ang mga proyektong ipagagawa sa kanila.

Natatawang biro pa ni Nadine tungkol kay James, “Bahala siya!”

Seryosong dagdag niya, “It’s just work. Kung ano yung makakapagpabuti sa project.

“I mean, I trust Viva naman and, of course, it’s for the good of the film naman.”

May cameo si Nadine sa pelikula ni James bilang si Maria Makiling, bago pa gawing full-length movie ang pinakasikat na diwata sa Philippine mythology.

Bago pa nito, gagawa rin si Nadine ng pelikulang may pamagat na Ulan. Sa nasabing pelikula, itatambal naman siya sa ibang aktor.

Ayon sa 24-year-old Kapamilya star, “I’m really excited for this one.

"It’s about finding yourself and learning to love yourself. This is what I really stand for, you know, self-love.”


Stories We Are Tracking

James Reid does not mind Nadine Lustre's sexy photos
James Reid does not mind Nadine Lustre's sexy photos

FATHER'S DAY. Samantala, malaki naman ang paghanga ni Nadine sa kanyang amang si Ulysses Lustre na naging sandigan daw nila noong may pinagdadaanan ang kanilang pamilya.

Mensahe niya sa ama para sa Father's Day celebration, “Probably, the strongest person that I know.

“I mean, a lot has happened last year and I’m just really happy that he’s someone na, you know… siya yung anchor namin, e.

“Siya talaga yung humahawak sa aming lahat para hindi kami basta-basta maggi-give up and all.

“Siya yung nagpapasaya sa amin all the time, he’s amazing.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN