Maris Racal fires back at netizen calling her "liberated" compared to Janella Salvador, Loisa Andalio

IMAGE Instagram @mariesteller (Kenneth Tangonan) / @superjanella (Shaira Luna) / @andalioloisa21

Maris Racal (left) fires back at netizen calling her "liberated" compared to Janella Salvador (center) and Loisa Andalio (right).


Hindi pinalampas ni Maris Racal ang pambabatikos sa kanya ng isang netizen dahil umano sa pagiging “liberated” niya, partikular na sa kanyang pananamit.

Ikinumpara rin ng netizen si Maris sa kapwa nito Kapamilya actresses na sina Janella Salvador at Loisa Andalio.

Si Janella raw ay kasing-edad ni Maris pero “mas nagpakita ng katawan” umano ang huli.

Sabi pa ng basher, si Loisa—na kasabayan ni Maris sa Pinoy Big Brother All In— ay “nagbago for the better” habang si Maris ay  “parang naging wild at liberated umarte pa sya.”

Sa kanyang Twitter post noong June 14, buwelta ni Maris: “Ayan kayo. Compare agad ng mga taong di naman magkagalit :)

“stop comparing. People have differences.”

Hindi rin daw dapat gawan ng isyu ang pagsuot niya ng “revealing” na gown.

Ani Maris, “Wearing less does not make you less of a person.”

May ilang tweets pa ang netizen na tila sinisisi ang umano’y pagiging “liberated” ni Maris sa “kakasama” nito kay Bela Padilla.

Hindi ito sinagot ni Maris.

Ngunit mismong si Bela ang umalma sa alegasyong bad influence siya kay Maris.

Pahayag ni Bela, minsan lang silang magkita ni Maris at pagwu-work out pa ang kanilang inatupag.


Stories We Are Tracking

Bela cries foul over bad-influence issue involving Maris
Bela cries foul over bad-influence issue involving Maris


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN