Agot Isidro clarifies she does not take sides in her criticisms of the Duterte administration

IMAGE Twitter photo by MJ Felipe

Agot Isidro says she does not take sides in her criticisms of the Duterte administration: "Nung panahon din naman ng previous administration, I also have… I'm very vocal. Kung mayroong mali sinasabi ko naman, Mamasapano and all that. I take sides with my principle."


Anti-Duterte. Dilawan. Yellowtard.

Ilan ito sa mga salitang naikabit na kay Agot Isidro dahil sa pagiging bukas nito sa mga puna, birada, at disgusto sa administrasyong Duterte.
  
Depensa naman ni Agot, ganito talaga ang tingin ng ibang tao sa mga tulad niyang ipinararating ang saloobin tungkol sa kasalukuyang administrasyon.

Saad niya, "Lahat naman kasi ng kumbaga tumutol, dilawan na, e, which is wrong.

“Nung panahon din naman ng previous administration, I also have… I'm very vocal.

“Kung mayroong mali, sinasabi ko naman... Mamasapano and all that.

“Hindi ako, kumbaga, take sides. I take sides with my principle." 

Ang Mamapasano na tinutukoy ni Agot ay ang operation ng Special Action Force (SAF) ng kapulisan na tumutugis sa isang Malaysian terrorist na nagtatago diumano sa kuta ng Bangsamoro sa Mamapasano, Maguindanao.

Naganap ang madugong sagupaan noong Enero 25, 2015 na ikinamatay ng 44 miyembro ng SAF.

NOT AFFECTED. Nakasanayan na rin daw ni Agot ang kabi-kabilang pambabatikos at pamba-bash sa kanya ng supporters ni Pangulong Duterte.  

”That's part of it, e, if you speak out, go against the grain, you are inviting that resistance also.

“As much as, if you are on that side, they have us, pero sila mayroon din silang resistance. 

“Ako din, may ganun. I think I have a lot of bashers, pero keri ko naman yun, e.

“Hindi naman ako masyadong nagpapaapekto.

"I believe in my principles, I stand by my principles. No one is paying me to do it.

“This is all me. Prinsipyo ko yun, e, that's my paninindigan."

Dagdag ni Agot, "We all should, we all have the right to speak because we pay taxes, we live in this country.

“We all have that right to exercise and to voice out kung anuman yung mga hinaing natin, kung anuman ang gusto natin, mali or even the good ones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, amplify the good, pero punahin natin ang mali."

Kamakailan ay umani ng katakut-takot ding pambabatikos mula sa marami ang ginawang paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pamilyadong OFW sa South Korea nang dumalo sa isang meeting ng Filipino community roon.

Reaksiyon ni Agot dito, "For someone who has that responsibility and power that he has, he should exercise caution para sa akin.

“Alam naman pala, natanong naman pala na may asawa, a little discretion. Kumbaga, dapat inisip yun.
  
"Parang hindi naman ako shocked. Hindi naman ako shocked, pero disappointed."

Iwas namang magbigay ng reaksiyon ang aktres tungkol sa away sa pagitan nila Kris Aquino at Mocha Uson.
  
"Ayokong mag-comment diyan kasi ang dami nang nag-comment. Ayoko nang mag-comment.

"Laban nila yun, away nila yun, I'm out."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Agot sa 66th FAMAS  Award Night noong June 10.

Umuwi si Agot ng gabing iyon bitbit ang Best Actress trophy para sa pagganap niya sa Changing Partners.


Stories We Are Tracking

Blooper spoils FAMAS 2018; Agot and Allen lead winners
Blooper spoils FAMAS 2018; Agot and Allen lead winners


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN