Patrick Garcia's wife reacts to "bad stepmom" accusation

IMAGE @onlypatrickgarcia and @nikkamgarcia on Instagram

Patrick Garcia's wife, Nikka Garcia, responds to netizens who bashed her for posting a family picture on Instagram sans Patrick's son with Jennylyn Mercado.


Hindi pinalampas ng misis ni Patrick Garcia na si Nikka Garcia ang akusasyon ng isang netizen na siya ay "bad stepmom."

Nagsimula ito nang mag-post si Nikka sa Instagram ng family photo nila bilang post-Father’s Day greeting kay Patrick nitong Lunes, June 18.

Isang netizen ang nagtanong kung bakit hindi kasama sa picture si Alex Jazz, ang anak ni Patrick sa dati nitong girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Balik-tanong ni Nikka, "Bakit po? Ano pong problema?"


Sumagot ang isa pang netizen at sinabing marahil ay may mga curious lang kung bakit hindi kasama si Alex Jazz sa family photo na ipinost ni Nikka.

Tugon dito ng misis ni Patrick, “If we post, may issue na ginagamit namin yung baby boy… if we don’t post, may issue pa rin.

"Pat and I have decided to keep that part private [heart emoji]. what happens stays within… stays amongst us family only [smile emoji]."


BAD STEPMOM. Pero hindi rito tumigil ang pang-iintriga ng mga netizen kay Nikka.

May isang netizen ang nagkomento at tinawag na “bad stepmom” si Nikka kay Jazz.

Idinamay rin ng basher ang tatlong anak na babae nina Nikka at Patrick.

Sabi pa ng basher, “You cannot have son because you’re personality is very bad.”

Hindi ito pinalampas ni Nikka.

Buwelta niya, “huwow. Nagsalita ang pinaka gwapa!? I cannot have a son??? Why, are you God?

“Let’s see muna! I have a long way to go to make more babies…

"Besides, boy or girl, they are blessings and I cannot be more grateful I was given THREE precious beautiful ones.”

Paalala pa niya, “Watch your words po. It shows the kind of personality YOU have.”


Hinimok naman si Nikka ng ilang followers niyang huwag na lang pansinin ang basher.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN