Kris Aquino and Mayor Herbert Bautista not on good terms again?

IMAGE Noel Orsal

This is Kris Aquino's answer when asked about closure with Mayor Herbert Bautista: "Sa movie, may closure. Sa totoong buhay, hindi binibigay sa iyo ang closure. Siguro until now, may galit. Siguro until now, nagagalit, kasi nga nagmahal."


Tila mayroon muling hindi pagkakaunawaan sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Kapansin-pansin kasi ang malalim na hugot ni Kris sa mga sagot niya sa press conference ng pelikulang I Love You Hater, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN nitong Lunes ng gabi, June 18.

Kasama niyang humarap sa entertainment press ang co-stars na sina Joshua Garcia at Julia Barretto, at ang direktor ng pelikula na si Giselle Andres.

Una, tinanong ang cast ng pelikula kung sang-ayon sila sa kasabihang "When you love, you must hate."

Sagot dito ni Kris, “When you're still capable of hating someone you once loved, that means there is still love.

“Pero kapag deadmabels ka na o care bears ka na sa buhay niya, that means naubos na yung love.”

Isang malakas na tunog ng panghihinayang ang sabay-sabay na naging reaksiyon ng fans na dumalo sa press conference.

Agad namang idinagdag ni Kris, “Bago kayo mag-react, I still care about him.”

Paglilinaw pa ng actress/TV host/celebrity influencer, “Ang tinutukoy ko na wala na akong pakialam sa kanya, yung tatay ni Bimb, para klaro tayo.

“Pero kung saan tayo nakatayo ngayon, kung saan ang ABS-CBN, he can still make me hate him, so that means I still have feelings for him.”

Ang unang tinukoy ni Kris ay ang ama ni Bimby na si James Yap.

Ang sumunod naman ay si Mayor Herbert.

Muling nagpahaging si Kris sa alkalde nang matanong ito sa kanya: “How did love and hate figure in my life so far [this year]?”

Sagot ni Kris, “You don't let hatred win. That's the number one lesson I've learned.

“If they can still let you to have that emotion of hatred, then they've won.

“That was a process, ha, na you have to know kung sino talaga ang enemy and choose your battles carefully.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON FORGIVENESS. Ngayong taon, natutunan din daw ni Kris ang magpatawad kahit walang humihingi ng tawad.

Paliwanag niya, “Ang forgiveness is a gift you give yourself.

“Forgiveness is not because that person ever said I'm sorry.

“Forgiveness is not also because minahal ka ng taong yun.

“But forgiveness comes because inireregalo mo sa sarili mo dahil mabigat mabuhay na mayroon kang sama ng loob, lalo na sa minahal at mahal mo.

“I think that's what I learned. You don't have to hear the words 'I'm sorry' in order for you to forgive.

“I'll just say this, ha, because I won't be Kris if I don't say this, just don't twist the facts.

“Yun lang ang akin. I can forgive even if you don't say sorry.

“Huwag niyo lang palabasin na ako ang sinungaling.”

Sa kanyang mga sumunod na pahayag, mahihinuhang ang tinutukoy ni Kris na hindi humihingi ng sorry ay si Mayor Herbert.

Tinanong kasi ang cast ng “Who is the last person you hated that you also loved?”

Diretsang sagot ni Kris, “Si Mayor HB.”

Paliwanag niya, “I said ano, nasabi ko na, 'Kaya kong i-give up ang pagiging Kris Aquino para sa iyo yet kulang pa rin iyan para sa iyo.'

"Sabi ko, 'If the man never says sorry, kung si President Duterte nagpaabot sa akin ng sorry, bakit ikaw, hindi ka nag-I'm sorry sa akin?'

“Then, he said to me, 'Mag-usap tayo nang harapan.' And I said, 'Para ano pa?'”

Sa puntong ito, kinantiyawan siya ng kanyang co-actors na sina Joshua at Julia tungkol sa pagkakaroon ng closure.

Natatawang sagot ni Kris, “Sa movie, may closure. Sa totoong buhay, hindi ibinibigay sa iyo ang closure.

“Siguro until now, may galit. Siguro until now, nagagalit kasi nga nagmahal.”

Sa huli, tinanong si Kris kung sino ang huling nag-"I love you" sa kanila ni Herbert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paiwas na sagot niya, “You know, if I answer that, he'll deny it.

"If I answer that, he will deny it.

“I will not answer that because ilang beses ba niya akong idinenay?”


Stories We Are Tracking

Kris Aquino dodges queries about Mayor Herbert Bautista
Kris Aquino dodges queries about Mayor Herbert Bautista
Kris reveals why she and Herbert did not end up together
Kris reveals why she and Herbert did not end up together

IS HERBERT UNCOMFORTABLE WITH KRIS? Sa hiwalay na panayam ng ilang entertainment reporters kay Kris matapos ang presscon proper, nabanggit nito ang isang pagkakataong hindi niya nagustuhan tungkol kay Herbert.

Ito ay nang magkasama silang nanonood ng pelikulang Kasal kamakailan lang.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino goes on movie date with Mayor Herbert Bautista
Kris Aquino goes on movie date with Mayor Herbert Bautista

Kuwento ni Kris, “I thought I was okay with that. But I was not okay with his reaction.

“Kasi sinabi ko sa kanya, 'Bakit uncomfortable na uncomfortable ka kahit magkaibigan na lang tayo ngayon? Bakit uncomfortable ka na pinapansin tayo ng mga tao?'

“May issue ako about that. There's a part of me that feels that he wasn't proud of me.

“Can I clarify lang, we're not enemies, and he knows that we'll never be enemies.

“He also knows that I will forever be grateful kasi when nobody was there, when everybody thought I will be nothing, he went out of his way to make sure makatayo ako.

“Tapos kinailangan tanungin ko, 'Ginawa mo ba yun because you cared or ginawa mo yun dahil may atraso ka sa akin?'

“Sabi niya, 'All of the above.'”

Ang huling komunikasyon daw ni Kris kay Herbert ay nang batiin niya ito noong Father's Day.

Bagamat sumagot ang alkalde, hindi na raw hinayaan ni Kris na humaba pa ang kanilang pag-uusap.

Katuwiran niya, “I think ngayon, nasabi ko na, I'm already in an okay place.

“Siya lang kasi yung nakakapagparamdam pa sa akin na may mali sa akin.

“So sabi ko, for me not to feel that, I have to not talk to him.

“Why will I continue to entertain that when it took so long... it was a two-year journey to get here again?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung sa personal may ganun pa akong nararamdaman...

“There are some people na kailangan mong mahalin from a distance.

“At saka hindi na ako naniniwala somewhere down the road.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN