Kris Aquino flaunts slimmer figure: "Mayor, this is what you're missing."

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino indulges members of the press at the media launch of her Star Cinema comeback movie I Love You, Hater, which also stars Julia Barretto and Joshua Garcia. Kris showed off her slimmer figure, and even gives details of her outfit and jewelry. 


Hindi nag-alinlangan si Kris Aquino sa pag-amin kung ano ang dahilan ng kanyang makeover at blooming appearance sa media launch ng kanyang comeback movie sa Star Cinema, ang I Love You, Hater, na pinagbibidahan din nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Kahit balot na balot siya sa kanyang black blazer and black sequined slacks, hindi naman maitatago ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris sa pressscon proper kung saan nanggagaling ang kanyang kagandahan.

Binanggit nito ang isa niyang endorsement.

Patuloy ni Kris, “But honestly, Kuya Rey, kilala mo ako, may pinapatunayan ako. 

"Meron akong gustong makanood nito at magsisi!” sabay tawa nang malakas.

Dugtong pa niya, “I’m sorry, lahat who work for KCAP [Kris Cojuangco Aquino Production] know this na hindi ako kumakain.

"Minsan tinitiis [ko] talaga dahil ang greatest motivation ng kahit sinong babae, and Julia [Barretto] knows this, is to make those who made you feel that you are not good enough regret their mistake."

Kinorek naman ni Kris ang nagkomentong "Revenge Body" raw ito. 

Sabi niya, “No. 'Beauty na hindi na sa iyo,'” mariin niyang sambit, na ang tinutukoy ay ang taong nagparamdam umano sa kanyang hindi siya "good enough."

Ginanap ang media launch ng I Love You, Hater kahapon, June 18, sa Dolphy Theater, ABS-CBN Compound, Quezon City.

Follow-up question ng PEP.ph, ibig sabihin ba nito ay mas magandang wala siyang love life ngayon para mag-focus siya sa sarili, makita ang kanyang self-worth sa kabila ng sakit, at ngayon ay i-enhance pa ang kanyang beauty? 

Sagot niya agad, “Hindi. Kinailangan ko lang na maramdaman niya, at kailangan ko lang na marinig niya na sinasabi mo iyan ngayon, at kinailangan ko na kapag napanood sa big screen...

"Dahil alam ko naman kung ilan ang billboards na itataas, para every time na madaan sa billboard, masasamid."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Kris Aquino and Herbert Bautista not on good terms again?
Kris Aquino and Herbert Bautista not on good terms again?

MAYOR HERBERT. Diretsahang binanggit ni Kris ang pangalan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kalagitnaan ng presscon nang natanong kung sino ang taong kinasuklaman pero minahal niya.

Posibleng ang pinatutungkulan ni Kris na dapat manghinayang sa ganda niya ngayon ay ang actor-politician.

Walang dalawang-salita namang hinubad ni Kris ang kanyang blazer nang hilingin ito ng press.

“Tatayo na ako sa gitna... o, eto,” at saka lumapit si Kris sa harap ng entablado at nagpabaling-baling sa kaliwa at kanan niyang bahagi para ipakita ang kanyang buong katawan sa lahat ng anggulo.

Dito kinumpirma ni Kris na ang pinatatamaan niya sa kanyang mga statement ay si Mayor Herbert.

Sabi pa niya, “Hashtag, Mayor this is what you’re missing.”

Halos magiba naman ang buong Dolphy Theater sa lakas ng sigawan ng kanyang fans habang sinasabi ito ni Kris.

Hindi masagot ni Kris kung ano na ang sukat ng kanyang katawan.

Paliwanag niya, “Ay, hindi ko alam, kasi binili ‘to, e,” sabay tingin sa kanyang damit.

“So, gumastos ako for this.

“Kasi kung aapak ka naman at babalik ka sa ABS-CBN, make sure na ang suot mo, alam nila.

"And si PEP kasi, e..." sabay tanong sa dumalong media kung sino ang tiga-PEP.

Pagbibigay rason niya, “Kasi bina-value niyo parati how much, e.

"So, sasabihin ko na para madali niyo na lang ma-research.”

Isa-isang idinetalye ni Kris ang suot niya.

“Limited edition 20th anniversary Roland Mouret po yung pants.

"Balmain yung blazer na suot, Alaia yung shoes."

Pati ang suot na precious jewelry ay hindi pinalampas ni Kris na hindi sabihin ang value.

Saad niya, “Yung alahas na sinuot [ko], makakabili ng condo—three bedrooms sa Rockwell!”

Ang Rockwell Land ay isa sa mga high-end property developers sa bansa. 

BODY MEASUREMENTS. Nang matanong muli si Kris tungkol sa kanyang body measurements, muli niyang sinabing hindi niya ito alam sa kasalukuyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “I would not know kasi nga... okay, there was another dress that was prepared by Francis Libiran that I really wanted to wear.

"Nung sinukat, sobrang luwag. And then, nag-rush sila and then bumalik pa rin yung mga ano nila, they were really panicking talaga.

"Hindi kinaya na, kasi yung tela na special, na mahal kung putulin mo, whatever. So, buti na lang may naka-reserve."

Paliwanag pa ni Kris, "I don’t know [my measurements], but I can tell you though that I did weigh myself kanina, and the weight I have now is ten pounds less than the weight I had before I got pregnant with Bimb,” pagtukoy sa bunsong anak na si Bimby.

Iginiit ni Kris na ang maganda niyang pangangatawan ay para sa kanyang kalusugan.

Paliwanag pa niya, “Hindi, kasi it’s also because of health.

"Emphasize ko lang sa inyo iyan na I’ve been open about my health issues. I have hypertension.

“So, sinusunod ko lang lahat ng bilin ng doktor.

"So, I think when you eat the right nutritious food, then it follows.

"Masunurin ako sa doktor, yun lang yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN