Kris Aquino chooses Alden Richards over Joshua Garcia

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino explains why she would choose to fall in love with Alden Richards (top, left) over Joshua Garcia (bottom, left), "Huwag kayong magalit sa akin, pero kasi ang kay Julia, kay Julia na. Si Alden, libre pa."


Diretsang sinagot ni Kris Aquino, 47, ang tanong kung posibleng ma-in love siya kay Joshua Garcia, 20, kung kaedad niya ngayon si Julia Barretto, 21.

Bago sumagot, humingi muna ng dispensa ang TV host/actress/celebrity influencer dahil sa isasagot niya sa tanong sa kanya sa press conference ng pelikula nilang I Love You, Hater noong Lunes ng gabi, June 18.

Aniya, “Joshua, don't hate me, ha. Kung ka-age lang ako ni Julia...

"Sorry ABS-CBN, don't hate me for this answer—si Alden ang pipiliin ko."

Dagdag ni Kris, “Sorry po. I apologize. No offense to everybody here.

“Huwag kayong magalit sa akin. Pero kasi ang kay Julia, kay Julia na.

"Si Alden, libre pa."

Pagkatapos ng prescon proper, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris kung bakit si Alden ang napili niya.

Paliwanag niya, “I'm sorry, ha, nabilib ako because of that martial law special.

“I watched it because I was given a copy by Direk Adolf [Alix Jr.].

“Galing na galing talaga ako sa kanya.”

Ang tinutukoy ni Kris ay ang pinagbidahan ni Alden na Alaala: A Martial Law Special, na ginawaran ng silver medal award sa 2018 New York Festivals.


Stories We Are Tracking

Alden-starrer Alaala wins Silver Medal at New York Festivals
Alden-starrer Alaala wins Silver Medal at New York Festivals

Bukod dito, nagustuhan din daw ni Kris ang hitsura ni Alden.

Nakangiting paglalarawan niya sa Kapuso actor, “Sorry, may weakness talaga ako sa dimples.

“All of my children have, may dimples sila, and ang kinis niya.

“Siguro gugustuhin mo kung ano yung mayroon ka... Hindi naman sa sinasabi ko na ano, pero feeling ko, kasing kinis ko siya.

“And na-cute-an lang talaga ako sa kanya.”

Binigyang-diin din ni Kris ang mga pinagdaanan ni Alden bago siya sumikat, na isa rin sa kanyang mga hinangaan tungkol sa Pambansang Bae.

Aniya, “Feeling ko din kasi, kapag nakikita mo rin kasi kung gaano kabait sa family, it has an effect on me.

“Alam ko kasi because friends ko yung mga taga-Laguna, who are in the LGU there, so I know what their life has been like and what he went through to get to where he is.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, natatawang muling sinabi ni Kris, “He's just really cute. As babaw as that, he is cute!”

Ang kay Julia ay kay Julia na, kaya ang pinili ni @krisaquino ay si....

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN