Neil Perez grateful for "second life" after motorcycle accident

IMAGE Noel Orsal

Mr. International 2014 Neil Perez on his peculiar experience during motorcycle accident: "Pag-uwi ko raw, sinasabi ko lumulutang ako, nakausap ko si Jesus Christ, may ganun. 'Tapos nagising na lang ako sa ospital. Parang gumayan lang ako, 'Ang haba ng tulog ko.' Pero hindi pa ako natutulog nun, nasasabi ko lang."


Pakiramdam ni Mr. International 2014 Neil Perez ay mala-milagro ang pagkakaligtas niya mula sa kapahamakan matapos maaksidente habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Delpan, Manila, noong Mayo 1.

Ang pinangyarihan ng aksidente ay isa o dalawang kilometro lang daw ang layo mula sa kanyang bahay.

Si Neil, 32, ay part-time model at full-time bomb explosives technician ng Aviation Security Group ng Philippine National Police.

Kuwento ni Neil, “Galing kasi ako sa event nun. Pauwi na ako, mga 1 a.m.

“Dumaan ako sa Delpan. Yung bridge kasi dun, ginagawa, baka palitan yung aspalto, kinayod siya.

“Pagdaan ko dun, gumewang yung motor ko, ta’s bigla ako nag-slide pakanan.

“Pagtumba ko, nauna ulo ko. 'Tapos wala na ako naalala.”

Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Neil pagkatapos ng presscon ng BlueWater Day Spa, na ginanap sa VU Bar ng Marco Polo Manila sa Ortigas, Pasig City, kahapon, June 19.

Ayon kay Neil, hanggang sa kasalukuyan ay wala siyang maalala sa nangyaring aksidente at kung paano siya nadala sa ospital.

Naikuwento na lang daw kay Neil na may ilang batang nakatambay sa lugar ang mabilis na sumaklolo sa kanya.

“Ikinuwento ng mga bata na may palapit na truck, na malapit na akong masagasaan.

"Kung nasagasaan daw ako, puwedeng hati yung katawan ko, kasi kargado yung truck, e.

“Dun kasi sa Delpan yung daanan ng mga truck sa pier.

“Yung mga bata, tinigilan nila yung truck.

"'Tapos hinatid nila ako sa bahay, tulak nila yung bike, tsaka isinakay nila ako sa tricycle."

Ang ina raw ni Neil ang nagsugod sa kanya sa Metropolitan Medical Center sa Sta. Cruz, Manila.

"NAKAUSAP KO SI JESUS CHRIST." Noong mga oras na iyon ay nasaksihan daw ng kanyang ina ang kakaibang kilos ni Neil dulot ng aksidente.

“Pag-uwi ko raw, sinasabi ko lumulutang ako, nakausap ko si Jesus Christ... may ganun

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos nagising na lang ako sa ospital.

"Parang gumayan lang ako, ‘Ang haba ng tulog ko.’ Pero hindi pa ako natutulog nun, nasasabi ko lang.”

Ayon daw sa doktor ni Neil, posibleng dala ng “trauma” ng aksidente kaya may mga pangyayaring sadyang hindi na niya maalala.

“Minsan nakakalimutan ko yung mga... Kasi may bumibisitang kaibigan. ‘Umalis na pala si ganito?’ ‘Ano ka ba, di ka pa natutulog,’ sabi sa akin.

“'Tapos habang tumatagal, bumabalik na yung memory ko.

"Pero yung mismong aksidente, wala talaga akong maalala hanggang ngayon.”

NO SURGERY NEEDED. Maliban sa kaunting sugat at pilay, magaling na raw si Neil at wala namang malubhang injury na natamo dahil sa aksidente.

Sa naunang panayam ng PEP.ph sa talent manager niyang si Jonas Gaffud, sinabi nitong posibleng sumailalim sa surgery si Neil dahil "may basag yata na buto" sa isang bahagi ng mukha nito.

Pero ayon kay Neil, hindi na niya ito kakailanganin.

Sabay turo ni Neil sa kanyang kaliwang cheekbone, “Bali dito may crack akong maliit.

"Sabi ng doktor, okey naman daw, hindi kailangan operahan.

"Pero pag hinawakan mo, mapapansin mo may parang bukol na maliit."

Sa huli, laking pasasalamat ni Neil na ligtas at maayos na ang kanyang kalagayan.

“Oo, second life na talaga siya.

"Kaya nung medyo okey na ako, nung first Friday ng buwan, pumunta ako sa Quiapo, nagsimba ako, pasasalamat."


Stories We Are Tracking

Neil Perez may undergo surgery after motorcycle accident
Neil Perez may undergo surgery after motorcycle accident
Neil Perez hospitalized after motorcycle accident
Neil Perez hospitalized after motorcycle accident


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN