Former Super Sireyna winner Mark Estephen reveals struggles to fight "immorality"

IMAGE Courtesy: Mark Estephen on Facebook / Screengrab from Miss International Queen Official on YouTube

Pilit daw nilalabanan ni Mark Estephen—dating kilala bilang Sabel Gonzales—ang mga tukso sa kanyang muling pamumuhay bilang lalaki. Pero sigurado na raw siya sa kanyang naging desisyong talikuran ang pagiging transgender.


Nakabalik na sa Pilipinas ang Super Sireyna Queen of Flowers 2014 winner ng Eat Bulaga! na si Sabel Gonzales, na ngayon ay isa na uling lalaki at gamit na ang tunay niyang pangalang Mark Estephen.

Sa panayam ng ABS-CBN New Online, ikinuwento ni Mark ang turning point kung paano niya napagdesisyunang muling maging lalaki.

Sabi niya, "Nagkaroon ako ng conviction.

"On that day na mamatay na ako, I don't know where I'm going, if it's hell or heaven.

"With that kind of lifestyle na meron ako, I know na I'm not 100 percent sure na pupunta ako sa langit."

Ikinagulat at ikinatuwa ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community ang pag-anunsiyo ni Mark nitong January 2018 na tatalikuran na niya ang pagiging transgender woman pagkatapos niyang makilala ang Panginoon.


Stories We Are Tracking

Former Super Sireyna winner now lives as a man
Former Super Sireyna winner now lives as a man

Dagdag pa niya sa panayam, marami siyang dinaanang pagsubok sa kanyang pagbabagong buhay. 

Lahad ni Mark, "Sa isang iglap, magpapagupit ako ng buhok, magdadamit akong panlalaki ulit, it's not easy.

“Every time na nagpe-pray ako kay Lord, I ask him, 'Lord, is this Your desire in my life? Ito ba yung buhay na gusto Mo para sa akin?'

"Niluhod ko sa Panginoon. Iniyak ko sa Panginoon. 'Lord, alam ko gagabayan Mo ako in my journey.'"


Sa kanyang muling pagyakap sa kanyang tunay na katauhan, nilinaw ni Mark na hindi niya niyayakag ang iba pang katulad niyang gayahin ang kanyang ginawa.

"I respect them, because I believe that only Jesus can change people.

"What we can do is to pray for them, and eventually in the right time na dumating yung punto na tatawagin na sila ni Lord.

"Sa akin, walang nagsabi na kailangan ka magpakalalaki, kusa na lang na nagdesisyon ako para sa akin."

Halos isang dekadang namuhay si Mark o Sabel bilang isang transgender woman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumaban siya sa gay beauty pageants, naging modelo, at namuhay bilang babae.

Siya ang kumatawan sa Pilipinas sa Miss International Queen 2017 sa Pattaya, Thailand.

Nakapasok siya sa Top 10, ngunit hindi pinalad na maiuwi ang korona na napagwagian ng kandidata mula sa Thailand.

 

NEW LIFE AS A MAN. Ngayong buo na ang kanyang determinasyong mamuhay bilang lalaki, inamin ni Mark na may mga pagkakataong naaakit pa rin siya sa mga guwapo.

"Nandoon pa rin yung attraction. Naa-attract pa rin ako pag nakakakita ako ng guwapo. Pinagpi-pray ko na lang din."

Hindi na lamang daw niya ito pinapansin at pilit na nilalabanan.

"That's the struggle, especially before, I lived with the immorality.

"But we need to flee [from] the immorality."

Sa ngayon, hindi naman daw siya nagmamadaling makabuo ng sariling pamilya at kilalaning padre de pamilya.

Aniya, “Kung ano yung kalooban ng Diyos sa buhay ko, kung bibigyan Niya ako ng wife na matatanggap ako, I want to experience to be a dad, kasi hindi ko naranasan.

"I want the experience to have kids."

Sa huli, sinabi ni Mark na masaya siya sa kanyang buhay at naging desisyon.

“Ngayon, masaya ako kung anong meron ako sa buhay.

"I'm so blessed, na kahit may struggles na dumarating sa buhay ko.

"I believe there is a God who is loving me and accepting me for who I am."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN