Mariel Rodriguez has newfound respect for working moms now that she's back on TV

IMAGE Instagram

Mariel Rodriguez admits feeling separation anxiety from leaving daughter for work. The TV host-actress went back to her hosting duties on the Kapamilya noontime show It's Showtime after an almost two-year maternity leave. On her first day back, she said, "Nahihirapan ako, honestly hirap na hirap ako kasi siyempre, first day ko. It's really very hard kaya nga sabi ko lalo akong napapasaludo sa lahat ng working moms."


Muli nang napapanood si Mariel Rodriguez sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime. 

Ito ay matapos ng halos dalawang taong pamamahinga sa show mula nang ipagbuntis at isilang si Isabella, ang anak nila ng asawang si Robin Padilla.

Pahayag ni Mariel sa kanyang pagbabalik-TV, "Siyempre overhelming.

"Saka siguro, more than anything, I'm grateful that I still have a home to come back to, which is Showtime.

"There's no better home than Showtime so I'm really, really, very grateful."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Mariel noong Lunes, June 18, sa studio ng It's Showtime. 

Masayang-masaya raw ang TV host-actress sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Kapamilya.

Pag-amin pa ni Mariel, "Kinakabahan ako, sobra.

"Nakakakaba talaga, but once na tumapak ka dun, it felt home talaga na sila uli ang makakasama ko.

"Naramdaman ko bigla na sobra ko pala sila na-miss."

WORKING MOM. Sa interview ng PEP.ph kina Mariel at Robin sa 49th Guillermo Mendoza Box Office Awards, nabanggit ni Robin na ang pagbabalik ni Mariel sa telebisyon ay nakasalalay kung papayag ang anak nilang si Isabella dahil sobrang close ito sa ina.


Stories We Are Tracking

Robin says Mariel's TV comeback depends on their daughter
Robin says Mariel's TV comeback depends on their daughter

Ayon sa TV host, mahirap na desisyon ito pero ginawa niya para maging proud din sa kanya ang anak balang-araw.

Ibinahagi rin ni Mariel ang set-up nila ngayong balik-trabaho na siya.

Aniya, "I arrange for her things to do, may swimming class siya, may school siya, ganyan, para busy siya.

"Nahihirapan ako, honestly hirap na hirap ako, kasi siyempre, first day ko. It's really very hard.

"Kaya nga sabi ko lalo akong napapasaludo sa lahat ng working moms kasi si Isabella, 19 months na nung nahiwalay ako sa kanya.

"What about yung mga moms na two months pa lang ang anak nila na kailangan na nilang iwan, they have to work?"

Dagdag ni Mariel, "But you really need to work, kailangan, it's for her para she can proud of her mom."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUPPORTIVE HUBBY. Nagpapasalamat naman si Mariel sa suportang ibinibigay sa kanya ng asawang si Robin.

"He's so supportive, he sent food pa nga to everybody.

"He's very supportive talaga. Sabi ko nga lagi, di ko magagawa lahat ng ginagawa ko kundi dahil sa kanya."

Pinag-usapan ba nila ni Robin ang tungkol kay Isabella ngayong nagtatrabaho na ulit siya?

"Oo, pinag-usapan.

"Si Robin, lagi niyang iniisip talaga kung okay ba si Isabella, kung kaya na ba niya.

"Basta kami, we'll do what we can do, we'll do our best."

Kapansin-pansin din ang laki ng ipinayat ng TV host, at parang bumalik na ang dati niyang pangangatawan bago pa man ipanganak si Isabella.

Pagbabahagi ni Mariel, kasama talaga ito sa plano niya sa kanyang pagbabalik-telebisyon.

"Oo naman, kasama talaga.

"Tama yung sinabi ni Robin na kaya natagalan ang pagbabalik ko, kasi gusto ko pagbalik ko, ako na uli.

"Ayokong bumalik ako na, 'Ay, hello, sino iyan?' Hindi yun ang deserve ng audience, the audience deserves the best."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN