Loisa Andalio says she has found a "true friend" in Julia Barretto

IMAGE Noel Orsal

Loisa Andalio (right) on friendship with Julia Barretto (left): "I'm so happy talaga na ang sarap sa feeling na, alam mo yun, na dati naiilang ka kasi may ganito. Ngayon, parang sarap gumalaw na alam mong you're free, parang ganun. Wala kang kinaiilangan, 'tapos yung dating ganun... Pero ngayon, sobrang nagulat ka na sobrang totoong kaibigan mo na ngayon."


Masayang-masaya si Loisa Andalio na natuldukan na ang isyu sa pagitan nila ng kapwa Kapamilya star na si Julia Barretto.

Nagkaroon ng isyu ang dalawa kamakailan matapos bigyan ng kulay ng ilang netizens ang pagre-retweet ni Julia sa isang post na nagsasabing "Ang kay Julia ay kay Julia lang."

Matapos nito ay nilinaw ni Julia ang post at sinabing wala itong kinalaman sa pagkakapareha kay Loisa sa rumored boyfriend ni Julia na si Joshua Garcia.

Si Loisa ay naunang naging ka-love team ni Joshua sa teleseryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita (2015) at ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya.

Nitong 2017 ay muling nagtambal ang dalawa sa teleseryeng The Good Son, na nagtapos noong April 2018.

Ngayon naman, si Loisa ay ipinapareha kay Ronnie Alonte, na naging ka-love triangle nina Julia at Joshua sa pelikulang Vince & Kath & James (2016).

Matapos silang pagsabungin ng fans sa social media, kumalat kamakailan ang larawan nila Julia at Loisa na magkasama at masayang nagba-bonding.


Stories We Are Tracking

Ronnie reacts to Julia-Loisa girl bonding photo
Ronnie reacts to Julia-Loisa girl bonding photo
Julia Barretto happy to have new friend Loisa Andalio
Julia Barretto happy to have new friend Loisa Andalio

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Loisa sa set ng ASAP noong June 17, ibinahagi niya ang naging bonding nila ni Julia at kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

Saad niya, “Sa akin naman, masaya ako. Kasi sa amin ni Julia, okay naman talaga kami.

“Kasi yung mga fans ang nagdadagdag o gumagawa ng kuwento.

“Nung nagkasama kami, sobrang saya.

“Ang tagal naming magkasama, siguro from 7 p.m. to 2 a.m., ganun kami.

“Sobrang saya, sobrang nag-enjoy kami.”

Dagdag ni Loisa, “Actually, yung lumabas na picture, kumain na kami night before nun, parang Day 2 na siya, parang ganun.

“Hindi naman kasi kami nagpu-post talaga, natsambahan lang talaga.

“Siyempre may nakakilala, may nagpa-picture.”

NEWFOUND FRIENDS. Sa hiwalay na panayam kay Julia sa FAMAS Awards Night, nabanggit nitong natutuwa siyang nakakita ng isang tunay na kaibigan kay Loisa.

Pagsang-ayon dito ni Loisa, “Sa akin naman, ganun din si Julia, sobrang sarap sa feeling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung mga pinagkukuwentuhan namin, kahit ganun pa lang, sobrang dami kong natutunan sa kanya, sa totoo lang.

“Siguro ganun din siya sa akin.

“Masaya ako na, yes, nakahanap din ako ng true friend kay Julia.

"And I’m so happy talaga na ang sarap sa feeling na, alam mo yun, na dati naiilang ka kasi may ganito.

“Ngayon, parang sarap gumalaw na alam mong you’re free, parang ganun.

“Wala kang kinaiilangan, ‘tapos yung dating ganun...

“Pero ngayon, sobrang nagulat ka na sobrang totoong kaibigan mo na ngayon.”

Patuloy na pagkukuwento ni Loisa, pagkatapos ng paglabas nilang iyon ay tuluy-tuloy na ang komunikasyon at pagkikita nila ni Julia.

“Yes, totoo nga, naglalaro kami ng Mobile Legends, ang hilig namin dun ni Julia.

“Actually, tinuruan ko siya kasi nagko-computer kami, ‘tapos di namin talaga naiintindihan ang nilalaro namin.

“Sabi ko, ‘Huwag na iyan, mag-ML na lang tayo.’

“’Tapos nandun kami sa computer shop, tinuturuan ko siyang mag-ML.

“So yun, natuto siya sa aking mag-ML.

“Nagsi-send siya sa akin, ‘Ano, proud teacher ka ba?’ Ipinakita niya yung score niya.”

Patuloy ni Loisa, “Actually nagsimula ito nung na-interview ako sa TWBA [Tonight With Boy Abunda], yung sinabi ko na nag-message sa akin si Julia about yung ipapa-clear niya yung lumabas na tweet.

“Sabi ko, ‘Naku, wala yun, wala yun sa akin.’

“Sabi ko naman, ‘Hindi ko naman binibigyan ng meaning. Huwag tayong magpadala sa fans. Kung may problema ka, puwede mong sabihin.’

“’Tapos isang beses nag-text siya, ‘Loisa, I’m free today.’

“Sabi ko, ‘Lika, labas tayo.’

“Actually, ang tagal na namin ding hinahanapan ng free time, lalo na siya, ang busy niya, ang dami niyang ginagawa, ang dami niyang work.

“I’m happy kasi may time siyang lumabas kami. Pag napa-pack up siya talaga na, ‘Lika, lumabas tayo.’"

Kuwento pa ni Loisa, “Isang beses may pinuntahan ako sa Tiendesitas, tumingin ako dun, ‘tapos pauwi na ako ng condo, sabi ko, ‘Sasakyan ito ni Julia.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos nagkita kami uli. Sabi ko, ‘Julia, nandito ako, nakita ko yung car mo.’

“Sabi niya, ‘Oo nga, nakikita kita.’

“’Tapos sumakay siya sa car ko, kuwentuhan na naman, umabot na naman ng madaling-araw.”

TIME FOR EACH OTHER. Ayon kay Loisa, masarap sa pakiramdam na ngayon ay may kaibigan siyang babae na kasama niyang lumabas.

“Sa totoo lang, ang saya kasi first time ko na may kaibigan na babae talaga na lumalabas kami.

“Kasi, sa totoo lang, wala, wala talaga. Wala akong kaibigan na babae na lumalabas kami na parang nagde-date kaming dalawa, na kaming dalawa lang.

“Wala akong ganung kaibigan ngayon sa showbiz na nagbibigayan kami ng time sa isa’t isa na babae.

“Kami naman kasi ni Ronnie, lagi naman kaming may time sa isa’t isa.

“Iba rin kasi pag kaibigan mo na marami kang natututunan, nase-share. May mga girl talk.”

Posible kayang maging simula na rin ito ng pagkikita at pagsama nila ni Joshua Garcia, na minsang na-link sa kanya at nakapareha?

Sagot ni Loisa, “Okay naman kaming lahat.

“Okay naman siguro pag nagkita-kita, like sa ASAP.

“Okay lang naman sa amin yun, okay naman kaming apat.”

Ano ang reaksiyon ni Ronnie sa nangyari?

“Sabi niya, kung saan naman daw ako masaya, susuportahan niya daw ako.

“Malaki na daw ako, alam ko na daw ang ginagawa ko.”

Nang kumustahin naman namin ang relasyon nila ni Ronnie, dito namin nalamang may injury pala ngayon ang kapareha.

Sabi ni Loisa, “Sobrang okay kami ni Ronnie.

"Actually, siya ngayon, mayroon siyang injury sa tuhod.

“Kailangan siyang maoperahan, nagkatuhudan sa basketball.

“Feeling ko, sobrang nade-depress siya kasi, grabe, sobrang gusto niyang maglaro ng basketball, e, malapit na ang Game 3. Pero yun, di siya puwedeng maglaro.

“Siyempre nakakalungkot kasi kung ano ang gustung-gusto mong gawin, pero hindi mo magawa.

“Hindi rin siya masyado makasayaw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN