Mayor Joseph Estrada's daughter Jackie Ejercito not closing doors on politics

IMAGE Noel Orsal

Bukas daw sa posibilidad si Jackie Ejercito na pasukin ang pulitika kapag ito ang kagustuhan ng amang si Manila Mayor Joseph Estrada.


Malaking tinik daw sa lalamunan ang nabunot sa pamilya Ejercito-Estrada nang payagan ng hukuman na makapagpiyansa si former Senator Jinggoy Estrada.

Ito ang ikinuwento ng kanyang kapatid na si Jackie Ejercito-Lopez nang makausap ng mga miyembro ng media sa press presentation ng Miss Manila 2018 noong nakaraang Miyerkules, June 20.

Ayon kay Jackie, dasal din ng kanilang pamilya na payagan din ng korte na makapagpiyansa ang kapwa akusado ni Jinggoy na si dating Senador Bong Revilla.   

Balak din daw ng Kuya Jinggoy niya na muling tumakbo sa pagka-senador sa 2019 midterm elections at ibubuhos daw nila ang kanilang suporta sa pagtakbo nito.

Si Jackie ang pangalawang anak ni former president at ngayon ay Manila City Mayor Joseph “Erap” Estrada kay former Senator Loi Ejercito.

Ang kanilang bunso naman ay si Jude Ejercito na mas pinili ang mamuhay nang pribado.

Siya ba ay may balak ding tumakbo sa anumang eleksiyon sa mga susunod na taon?

Sagot ni Jackie, “The highest form of charity is to be a politician, sabi nga ni Pope yun.

“Pero parang ano… if ever, si Dad lang makakapagsabi sa akin nun. Kung gusto niya akong patakbuhin.

“Sobra akong obedient na anak, if ever, ha. Pero pag ako, ayoko kasi maliliit pa yung mga bata, yung mga anak ko.”

Si Jackie ay may tatlong anak sa asawa nitong si Beaver Lopez.


(Miss Manila 2018 candidates)

MISS MANILA 2018. Sa nasabing press presentation, ipinakilala ng MARE Foundation ni Jackie at ng VIVA Live ang 32 kandidata na siyang maglalaban-laban para sa prestihiyosong patimpalak ng kagandahan para sa Araw ng Maynila.

Ang MARE Foundation na kanyang pinamumunuan ang sole beneficiary ng pageant at aminado siyang malaki ang naging tulong nito sa kanilang non-profit institution.

Kuwento pa niya, “Yung benefactor, mapupunta sa MARE Foundation. I just want to continue helping sa medical mission namin, sa mga feeding program.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In fact once a week, we do medical mission. Siyempre, yung funding namin medyo [lumiliit] na, siyempre we need Miss Manila also to [raise fund].

“We plan na maging twice a week na yung mga medical mission namin sana.

“Gusto ko talaga maging twice a week na para maraming matutulungan. 'Tsaka sa aming feeding program din.”


(Jackie Ejercito with Miss Manila 2018 candidates)

Ang mga aspiring beauty queens na maglalaban-laban para sa titulong Miss Manila 2018 ay sina Esel Mae Pabillaran, Lux Coleen Brusas, Charlotte Jhiza Beleno, Genesis Durana, Elaine Contreras, Kristi Celyn Banks, Ria Angelique Siozon, Julee Anne Mae Cabrera, Kayla Fajardo, at Paulina Labayo.

Pasok din sa timpalak sina Malka Suaver, Ma. Flordeliza Mabao, Katrina Racelis, Dyan Shane Mag-abo, Leitz Camyll Ang, Therese Marie Marguerette Gaston, Lois Sta Maria, Maria Lianina Macalino, Nikki Lim Sotelo, Agatha Lei Romero, at Sheika Hanna Galang.

Ang iba pang pasok sa pageant ay sina Christine Roazol, Joanna Day, Angelique Mae Santos, Kathleen Joy Paton, Juliee ann Forbes, Zeta Erin Alegre, Joan Patrice Dulina, Georgette Coronacion, Samantha Elin Coloso, Beatriz Canary Tolentino, at Lean Dominique Lalu.

Ang tatanghaling Miss Manila 2018 ay magwawagi ng PHP1M (PHP500,000 cash plus Viva Management contract worth PHP500,000); PHP350 thousand naman para sa 1st Runner-Up; PHP250 thousand para sa 2nd Runner-Up; PHP150 thousand sa 3rd Runner-Up at PHP100 thousand naman ang matatanggap ng 4th Runner-Up.

Ang grand coronation night  ay magaganap sa June 26 sa  Philippine International Convention Center (PICC) at ipapalabas naman ito sa July 1, sa ABS-CBN’s Sunday’s Best.


(Mayor Joseph Estrada, Jackie Ejercito, Manila City council and Miss Manila 2018 candidates)


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN