Did Paolo Ballesteros break up with Sebastian Castro?

IMAGE @pochoy_29 / @thesebastiancastro on Instagram

Did Kapuso actor-TV host Paolo Ballesteros break up with actor-model Sebastian Castro through a text message?


Hiwalay na ba ang Kapuso TV host-actor na si Paolo Ballesteros sa actor-model na si Sebastian Castro?

Hindi pa man nakukumpirma ang namamagitan sa dalawa ay naging usap-usapan ang post ni Sebastian sa Instagram stories kahapon, June 23.

Ang unang post ni Sebastian ay isang screengrab ng text message na mula sa isang sender na pinangalanan niyang "Root Word."

Makikita rin sa screengrab ang initials na "PB."

Saad ng sender sa text message, "Hey goodmorning. Ive been thinking for the past few days about us.

"Im sorry i have to break your heart again. im really sorry.

"I dont want you to finish ur song for me and i cant be that person.

"Its too much for me i guess. i dont know what else to say, but im really sorry."

Makikita rin sa screengrab ang "*SIGH" reaction ni Sebastian sa nasabing text message.


Sa sumunod na post naman ay kinumpirma ni Sebastian na nagkaroon siya ng isang three-month relationship sa isang taong hindi niya pinangalanan.

Subalit nabanggit din ni Sebastian ang tungkol sa mga nakaraang usap-usapan kung sino ang kanyang karelasyon.

Sabi niya, "I have no intention of confirming or denying rumors about who I was dating.

"For my own peace of mind, I'll just acknowledge it's over. Call it practicality, but it's simply easier to say so once publicly than over and over again when asked.

"I had a brief 3-month relationship. It didn't work out.

"Thanks for the memories all the same."


Lumutang ang usap-usapan tungkol sa namamagitan kina Paolo at Sebastian nang mamataan sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magkasama sa Rosario, La Union, noong April 24, 2018.

Nakuhanan din sila ng mga litrato habang magkasamang nagdi-dinner.

Nang subukan namang tanungin ng PEP si Sebastian tungkol sa namamagitan sa kanila ni Paolo noong gabi ding iyon, tumangging magbigay ng pahayag ang indie film actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang araw matapos ang pageant, noong April 27, ay nag-post si Sebastian ng bouquet of flowers kalakip ang isang card na may nakasulat na "Happy 2nd my rootword. I love you."


Stories We Are Tracking

Are Paolo Ballesteros, Sebastian Castro in a relationship?
Are Paolo Ballesteros, Sebastian Castro in a relationship?


ABOUT THE AUTHOR

TV addict-turned-PEP Guide writer. Follow @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN